^

Pang Movies

Kasunod ni Ogie: Regine kasado na sa TV5, theme song uunahin na?!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Papasok na ang month of June kaya tanong pa rin kung tuloy na ba ang paglipat ni Ogie Alcasid sa TV5? Isa pa ring tanong, sasama ba kay Ogie sa paglipat ang wife niyang si Regine Velasquez? May chika kasing si Regine ang kakanta ng second version ng theme song ng Misibis Bay mini-series na nagtatampok kina Christopher de Leon, Vivian Velez, Ritz Azul, Megan Young, na dinidirek ni Mac Alejandre. Ang original version ng theme song ay sinulat at kinanta ni Jay Durias. 

Kasalukuyan nang nagti-taping ang Misibis Bay sa nasabing five-star resort sa Albay, Bicol.

Ryza naging mainitin ang ulo nang mag-diet

Seven years din palang niligawan ng FHM ang StarStruck 2 winner na si Ryza Cenon bago siya pumayag na mag-cover para sa May issue ng glossy magazine.

“Bata pa rin po kasi ako noon. Hindi pa ako handa at hindi pa rin developed ang body ko,” rason ni Ryza sa pocket interview para sa kanya ng GMA Artist Center. “Late bloomer po kasi ako. Kung hindi pa raw ako papayag this time, give up na sila sa akin, pero sabay po namang nagdesisyon na rin ang GMA Artist Center at pumayag na rin ang lola ko kaya pumayag na rin ako. Alam kong handa na rin ako.” 

Pati nga mga kamag-anak ng aktres ay aprubado sa ginawa niya.

Dagdag ni Ryza, “Natuwa nga ako sa mga lola at relatives ko, nang lumabas ang magazine, inilagay pa nila ito sa Facebook at bumili raw ng magazine ko.”

Ten days lamang ang ibinigay sa kanya ni Doc Marlon Pecjo para pag­handaan ang pictorial kaya todo diet na siya at three days bago ang shoot, a slice of apple, cracker, and small amount of water lamang ang kinakain niya kaya naging mainitin daw ang ulo niya. Sanay naman siya sa pagda-diet pero masakit daw pala sa ulo kung halos hindi ka na talaga kakain. 

Inamin din ni Ryza na sa nine years sa showbiz ay may tampo na rin siya dahil wala pa siyang starring role.

“Pero wala na rin po akong reklamo dahil kung minsan ako ang pinaka-busy na artista ng GMA dahil ilang soaps ang sunud-sunod kong ginagawa kaya nakakaipon din ako ng malaki sa talent fee ko. Ang pinakahuli na nag-guest ako ay ang Indio na gumanap akong isang Espanyola na na-in love sa indio na si Sheena Halili na naka-disguise na lalaki,” asam ni Ryza.

Dahil sa FHM, ready na ang aktres na gumanap ng daring roles. Dapat pala siya ang leading lady noon sa Intoy Syokoy ni JM de Guzman pero hindi pa siya handang magpa-sexy at takot din siya sa tubig kaya kay LJ Reyes napunta ang role.

vuukle comment

AKO

ARTIST CENTER

DOC MARLON PECJO

INTOY SYOKOY

JAY DURIAS

MISIBIS BAY

RIN

RYZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with