^

Pang Movies

Kris sawa na sa mga role na ibinibigay sa kanya

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ibang Kris Bernal ang mapapanood sa tinatapos ni Gil Portes na pelikulang Sangandaan na isa sa mga ipapalabas sa All-Star Masters National Film Festival ng FDCP o Film Development Council of the Philippines.

Nag-audition pa raw ang Kapuso actress para sa role ng isang nurse na hinahanap ang kanyang matagal nang nawawalang ama. Handa na siyang umalis sa kanyang comfort zone at gumawa ng mga role na matagal na niyang gustong gawin.

Ayon sa aming source, sawa na si Kris sa mga role na ibinibigay sa kanya ng GMA 7. Gusto naman niya na gumawa ng kakaiba para naman mapansin na ang acting abilities niya.

Kaya noong mag-audition siya, kaagad na napahanga si Direk Gil.

Sa September pa ipalalabas ang lahat ng mga kalahok sa All-Star Masters National Film Festival ng FDCP. May mga entry din sina Maryo J. Delos Reyes, Chito Roño, Carlitos Siguion-Reyna, Joel Lamangan, Peque Gallaga, Romy Suzara, Mel Chionglo, Elwood Perez, and Tikoy Aguiluz.

Seksing kontrabida ipakikilala ng Kapatid

Ibi-build up bilang sexy contrabida ang Artista Academy alumna na si Malak So Shdifat.

Ang 20-year-old Pinay-Chinese-Jordanian ay ipapakilala sa sex and revenge series ng TV5 na Misibis Bay.

Walang kiyemeng magpa-sexy itong si Malak dahil confident naman daw siya sa kanyang katawan. Mahilig kasing sumayaw si Malak kaya naman puwedeng-puwede siyang makipaglabanan kung pagsuot lang ng two-piece bikini ang pag-uusapan.

Makikipagtagisan siya ng kaseksihan sa kanyang mga co-star na sina Megan Young at Ritz Azul.

Marami ang nagsasabing malaki ang hawig ni Malak sa sexy actress na si Katrina Halili. Bago pa man siya sumali ng Artista Academy ay sinasabi ngang lookalike niya ang kontrobersiyal na Kapuso actress.

Sam nakikipaghabulan kay Marian

As of Monday, May 20 ay na-overtake na raw ni Sam Pinto ang top spot para sa FHM 100 Sexiest Women in the World 2013.

Sa inilabas na unofficial tally ay nanguna na si Sam laban sa dating nangu­nguna na si Marian Rivera. Nasa second place na ngayon ang Primetime Queen ng Kapuso Network.

Ngayon at nakaungos na si Sam, naulit na naman ang sinasabi nilang rivalry ng dalawa. Last year kasi ay si Sam ang nagwaging No. 1 samantalang nasa second place lang si Marian.

     Kung patuloy ngang hindi mawala sa numero unong posisyon si Sam sa pagtatapos ng botohan, she will make FHM history for being the sexiest woman three years in a row.

vuukle comment

ALL-STAR MASTERS NATIONAL FILM FESTIVAL

ARTISTA ACADEMY

AS OF MONDAY

CARLITOS SIGUION-REYNA

CHITO RO

DELOS REYES

DIREK GIL

ELWOOD PEREZ

FILM DEVELOPMENT COUNCIL OF THE PHILIPPINES

MALAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with