^

Pang Movies

Bong at Aga kailangan ng tulong!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Sad kami na pagkatapos ng maraming hirap ni Aga Muhlach, sa simula pa lamang ng kanyang pagpa-file ng certificate of candidacy at ilang beses na muntik na siyang hindi payagang kumandidato, ay nabigo pa rin siya matapos gawin ng kalaban ang lahat, to the point na hininto ang bilangan dahil natatalo sila sa kanilang lugar. Hindi naman binigo si Aga ng mga kasamahan niya sa industriya na nagpuntahan pa sa Bicol para tulungan siyang mangampanya. 

Si Sharon Cuneta nga kahit nagbabakasyon sa States, nang patuloy na nakikipaglaban si Aga habang ginagawa ang bilangan, ay nag-text pa sa media para tulungan si Aga. Media na raw lamang ang puwedeng tumulong para malaman ang totoo.

Media rin ang napagbalingan ni Sen. Bong Revilla, Jr. na lapitan dahil kahit tapos na ang eleksiyon ay patuloy pa rin silang hina-harass ng mga Bacoor police na gustong ma-search ang eight houses ng mga Revilla dahil may itinatago raw silang high-po­wered guns. Ito ang kuwento ni Sen. Bong nang makausap namin sa set ng Indio.

Hinayaan niyang pumasok sa kanilang bahay sa Bacoor ang media para makita nila kung mayroon nga silang itinatago sa kanilang bahay. Ang ipinagtataka nila ng kanyang pamilya, ’tapos na ang eleksiyon at proclaimed na ang mga nanalo pero hina-harass pa rin sila, kahit ang kanyang amang si former Senator Ramon Revilla, Sr. na nasa bahay nila ay hindi nirerespeto ng mga pulis.

Kaya bukod sa paiimbestigahan niya sa Senado ang kaso nila na hindi rin siya nirespeto bilang isang senador, magpa-file sila ng personal complaint. Hindi raw sila madadala sa pananakot sa kanila dahil nasa katuwiran sila. Kung may consolation nga raw lamang sila, iyon ay nanalo lahat sina Congresswoman Lani Mercado, Vice Governor Jolo Revilla, at Bacoor City Mayor Strike Revilla.

Marian hindi pa alam kung tuloy ang sitcom sa GMA

Masayang ibinalita sa amin ni Direk Cesar Apolinario na mapapanood na sa Dance of the Steel Bars nina Dingdong Dantes and Hollywood actor Patrick Bergin ang cameo role ni Marian Rivera sa movie na idinirek niya tungkol sa mga dancing inmates ng Cebu. 

Madali raw pumayag si Marian na mag-guest sa indie film pero pagkatapos nitong makapag-shooting ay ipinatanggal daw ang nasabing cameo role. Pero ngayong malapit nang ipalabas ang movie sa June 12, nakipag-usap muli si Direk Cesar sa bagong management ni Marian at pumayag silang isali muli ang cameo role ni Marian.

Tamang-tama naman na may mapapanood na ang fans nina Dingdong at Marian dahil miss na miss na nila ang dalawa dahil matagal na silang walang ginagawa. After Pahiram ng Sandali, may bagong soap si Dingdong na gagawin sa GMA 7 pero si Marian hindi pa alam kung tuloy ang kanyang sitcom sa network.

 

vuukle comment

AFTER PAHIRAM

BACOOR

BACOOR CITY MAYOR STRIKE REVILLA

BONG REVILLA

CONGRESSWOMAN LANI MERCADO

DANCE OF THE STEEL BARS

DINGDONG DANTES AND HOLLYWOOD

DIREK CESAR

DIREK CESAR APOLINARIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with