^

Pang Movies

Bagong show ni Jennylyn isasabong sa Minute to Win ni Luis

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

One whole lechon baka, assorted Japanese food, spaghetti, pancit canton, sandwiches, cake, ice cream, soft drinks ang dinner ng buong cast ng Indio na dinalaw namin sa studio set nila sa Marilao, Bulacan. Birthday kasi ni Jennylyn Mercado ng araw na iyon, May 15, at give ng leading man niyang si Sen. Bong Revilla, Jr. ang lechon baka at ng production ang ibang food kaya biro ni Jennylyn, sarili raw lamang niya ang dala niya sa taping. 

Dumating din ang anak niyang si Alex Jazz at ang kanyang Mommy Lydia. Wala raw diet ng ga­bing iyon ang buong cast, kahit ng mga nagseseksihang mga diwata. Birthday wish ni Jennylyn ang patuloy na pagganda ng career at good health sa kanya, kay Alex Jazz at sa Mommy Lydia niya.

Nakita namin ang bonding at masayang pagdi-dinner ng buong cast at tama si Jennylyn, iyon daw ang mami-miss niya kapag natapos na silang mag-taping sa May 22 at ang pagtatapos ng kanilang epic serye sa May 31. 

October last year pa raw kasi sila nagsimulang mag-taping, pinagdaanan nila ang mga ulan at bagyo at ngayon ang sobrang init ng panahon pero naging maganda ang kanilang pagsasamahan at kung minsan kahit tapos na silang mag-taping ay hindi pa sila umuuwi agad. Nagba-bonding pa sila sa set.

Ano na ang mangyayari sa character niyang si Esperanza, sila pa rin ba ni Malaya (Bong) at ng anak nilang si Antonio? Ang tanong daw, kung magkikita pa sila ni Malaya dahil itinago sila ni Juancho (Michael de Mesa) at mabuo pa kaya silang mag-anak sa huli? Basta marami pa raw magagandang mangyayari sa story sa direksiyon ni Dondon Santos.

Sa Linggo, last episode na nila ng Party Pilipinas at kapag natapos na ang Indio ay hindi pa rin siya mawawalan ng work dahil may bago siyang daily show, she will host Anak Ko ’Yan, ang bagong reality talent show ng GMA 7 na ang mga contestant ay from seven to 17 years old. Sa umaga raw ito mapapanood.

Paano kung makatapat ito ng Minute to Win It ng boyfriend na si Luis Manzano? Sagot ng aktres, no problem daw dahil magkaiba naman ang concept ng show nila. May bago rin siyang soap na gagawin pero ayaw pa niyang magbigay ng details.

Inamin ni Jennylyn na magkasama sila ni Luis na pumunta sa Lipa, Batangas noong election day pero nanood daw lamang sila sa isang tabi ni Ryan Christian (younger brother ni Luis), habang bumuboto si Gov. Vilma Santos at Luis. 

Natanong na naman si Jennylyn kung kailan na sila magpapakasal ni Luis, sagot lang niya: “Hindi pa nagpo-propose si Luis.” 

Pero wala pa rin silang balak ni Luis na magpakasal at this time.

Muli palang nag-pose si Jennylyn sa FHM men’s magazine na ang concept ay mala-Brigitte Bardot for the month of June. Kasing sexy ba ito ng cover ni LJ Reyes? Tumanggi siya. Hindi raw niya kaya iyon kasi magagalit si Alex Jazz. Natawa si Jen sa tanong kung hindi kaya si Luis ang magagalit kung gano’n siya ka-sexy?

 

vuukle comment

ALEX JAZZ

ANAK KO

BONG REVILLA

BRIGITTE BARDOT

DONDON SANTOS

JENNYLYN

LUIS

MOMMY LYDIA

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with