^

Pang Movies

Maggie Wilson muntik gumawa ng eksena, ’di type ang nanalong Daragang Magayon

- Vinia Vivar - Pang-masa

Natuwa naman kaming makitang in working mode na ulit si JM de Guzman. Siya ang finale guest sa Daragang Magayon Festival 2013 coronation night last April 27 na ginanap sa Albay Astrodome, Albay, Legazpi City.

He sang three songs at okay naman ang response sa kanya ng Albayanos.

Let’s face it, masyado kasing nakaapekto sa career ni JM ang mga negatibong nasulat sa kanya kamakailan lang tungkol sa diumano’y nalulong siya sa bisyo dahilan para medyo tumamlay ang kanyang career at maputol nang wala sa oras ang kanyang Angelito: Batang Ama soap.

But it’s nice to see him working again at sana’y magtuluy-tuloy na ang sipag niya ulit.

Anyway, successful ang month-long celebration ng Daragang Magayon ng Albay na proyekto ni Gov. Joey Salceda, pinaka-highlight ng event ay ang co­ronation night ng Mutya ng Daragang Magayon na talaga namang ginastusan nang husto ng city govern­ment.

Para kaming nanonood ng Bb. Pilipinas pageant sa ganda ng set up ng stage at presentation. Opening number pa lang ay panalung-panalo na. At totoo nga pala na napakagaganda ng mga Bicolana. Sa 19 contestants, wala talaga kaming itulak-kabigin.  Lahat sila’y magaganda at artistahin ang dating.

No wonder, Albay is now being called as The Vene­zuela of the Philippines having produced 37 regional, national, and international beauty queens since 1980. Ang ilan sa mga Albay beauty queen ay sina Miriam Quiambao, Precious Lara Quigaman, the late Melody Gersbach, Diane Necio, Jane Bañares, and Venus Raj.

Samantala, bukod kay JM, naroroon din si Michael Pangilinan bilang guest singer at kinanta niya ang kanyang new single na Bakit Ba Ikaw na in fairness sa kanya ay gustung-gusto namin and feeling namin ay maghi-hit ito in no time.

Naroroon din si Maegan Young na nagsilbing host naman ng event, Carla Abellana as one of the judges, at si Maggie Wilson na siyang Chairman of the Board ng panel of judges.

Kasama rin sa panel of judges ang ilang mga kapatid sa hanapbuhay na sina Jobert Sucaldito, Isah Red, Mario Dumaual, and Gretchen Fullido of TV Patrol.

Ang hinirang na Mutya ng Daragang Magayon 2013 ay si Luvelle Bitara. Lady of the Mountain si Liezel Ramos, Lady of the Flower naman si Jian Realuyo Salazar, Miss Almasorca is Bianca Rizzi Dacir Hondanero, and Miss Tourism si Bernadette V. Salinel.

Ang intriga of the night, hindi raw satisfied si Maggie sa pagpapanalo ni Luvel pero dahil ’yun ang ibinoto ng ibang kapwa judges ay wala siyang magawa. Sa pagkaimbiyerna niya ay binalak niyang magprotesta at napayuhan lang daw na irespeto na lang ang desisyon ng majority at huwag nang gumawa pa ng eksena.

Lovi matagal nang gusto ng mga Kapamilya

Nakasabay lang namin si Lovi Poe sa eroplano pabalik ng Maynila from Legazpi last Sunday ng alas dose ng tanghali. Aba’y nang nanood kami ng The Buzz, nakita namin siyang guest ng live nang hapong iyon.

What surprised us is the fact na nag-guest siya sa ABS-CBN show. It was her first time na makapag-guest sa The Buzz ’cause for the longest time, alam naman naming GMA 7 talent si Lovi.

Dahil dito, mukhang totoo nga ang haka-haka na lilipat na ng istasyon ang young actress lalo pa nga’t noon pa namin alam na gustung-gusto siya talaga ng Dos.

Anyway, sa nasabing panayam kay Lovi ni Charlene Gonzales ay sinagot ng young actress ang tanong kung ano talaga ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni former Ilocos Sur Representative Ronald Singson.

 â€œAside from the distance and time together, there are a lot of people around us that I couldn’t deal with anymore,” pagre-reveal ni Lovi.

Ayon pa sa young actress, minsan talaga, you have to let go of some important things para magkaroon ng peace of mind.

Hindi raw totoo na si Jake Cuenca ang rason ng kanilang breakup.

“That’s not true at all. Ron and I, when were together, we could only communicate through letters so I wrote him a letter there. I got to visit him also. It’s not true that Jake was the reason,” say pa ni Lovi.

Inamin din ng dalaga na nasa dating stage sila ngayon ni Jake and when Charlene asked kung paano ba ito mae-elevate into next level, say ng young actress, “Honestly, I don’t know. So many things happened to me last year, the past few years. I won’t say I’m jaded or anything. It’s just that I want to take my time first kasi hindi biro ang nangyari sa akin.”

Bukod sa The Buzz, guest din si Lovi sa Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda kaya feeling talaga namin ay may ibig sabihin ito. Well, abangan na lang natin kung anuman.

vuukle comment

ALBAY

ALBAY ASTRODOME

BAKIT BA IKAW

BATANG AMA

BERNADETTE V

BIANCA RIZZI DACIR HONDANERO

CARLA ABELLANA

DARAGANG MAGAYON

LOVI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with