^

Pang Movies

Manoy Eddie at Bossing Vic itinaya ang pangalan

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ang walang kupas, ang award-winning actor, at mukhang hindi nagkakaedad na si Manoy Eddie Garcia at ang magaling at walang kapantay na si Vic Sotto ang dalawa sa bigating nag-eendorso kay Sen. Chiz Escudero na muling kumakandidato sa pagka-senador.

“Ang kandidato ko buo ang loob, handang lumaban, matapang. (My candidate is committed, ready to fight, courageous),” ayon kay Tito Eddie sa ads na ginawa niya para kay Sen. Chiz.

 â€œAng senador ko, bossing ang taong bayan. (My senator holds the people as his boss),” sabi naman ni Vic habang kausap ang isang batang lalaki para sa isang commercial ad.

Pagkatapos nilang sabihin ’yun ay nag-dialogue sila sa huli nang “Say Chiz.”

Alam nating lahat kung gaano ka-choosy si Tito Eddie sa mga iniendorso, as in maingat na maingat sa pakikilahok sa pulitika.

Noong 2007 nang huli natin siyang makitang tinulungan sa kampanya ang namayapang si Fernando Poe, Jr. na tumakbo noong presidente na pinaniniwalang totoong nanalo laban sa idineklarang presidente na si ex-President Gloria Macapagal-Arroyo.

Pero iba raw si Chiz.

“I believe in Chiz, as do millions of Filipinos,” sabi niya at nakahanda siyang itaya ang pangalan para sa kanyang kandidato.

Siyempre, kung maselan sa pag-eendorso si Tito Eddie ganun din si Bossing Vic na siyempre ay brother ni Senate Majority Leader Tito Sotto at bahagi ng ageless comic trio Tito, Vic, and Joey (de Leon).

Super choosy din si Bossing pagdating sa political endorsement dahil inirereserba niya ito sa pagtulong kay Sen. Tito.

 â€œSimple lang, gusto ko siya. (It’s simple, I like him),” katuwiran ni Bossing.

He notes that Escudero’s message of change and new politics appealed to him, and the youthful senator’s unassuming ways mirror his own low-key approach to life.

At dito panalo si Sen. Chiz. Wala siyang ginastos na milyones para bayaran ang mga nag-eendorso sa kanya. Pawang walang perang pinag-usapan kina Tito Eddie at Bossing Vic. Tanging paniniwala nila kay Chiz ang puhunan.

“We didn’t have problems with the endorsements of Manoy and Bossing because they were given for free. There were no legal paperwork or marketing contracts to sort out. We just had to work out the schedules for the shoot of the TV commercials,” sabi ng isang miyembro ng campaign staff ni Escudero.

At dito lamang ang boyfriend ni Heart Evangelista, malaki ang tiwala ng maraming tao sa kandidatura niya (Escudero).

Sumasalamin ito sa hangarin ng milyung-mil­yong Pinoy – kasama na sina Tito Eddie at Bossing Vic – na makabagong tatak ng pulitika.

Maja nawiwili sa Misimis Bay

Kasalukuyan kaming nasa Misibis Bay sa Albay habang tinitipa namin ang aming kolum and we learned na kilalang-kilala pala rito si Maja Salvador dahil madalas palang magpunta rito ang young actress.

Naisama na raw dito ni Maja ang dating boyfriend na si Matteo Guidicelli at kelan lang naman ay si Gerald Anderson naman ang kanyang kasama.

Sabagay, noon pa nga ay alam naming favorite ni Maja ang Misibis Bay at gandang- ganda siya talaga sa place.

The fact na isinama na niya rito si Gerald, ibig bang sabihin nito ay sila na talaga noon pa?

Anyway, naanyayahan kami sa Albay ni Gov. Joey Salceda para sa month-long celebration ng Daragang Ma­gayon Festival 2013 na nagsimula noong April 1 at magtatapos ngayong April 30.

Pinaka-highlight ng affair ay ang Mutya ng Daragang Magayon pageant na nagkaroon ng coronation kagabi, April 27 na ginanap sa Albay Astrodome.

In fairness kay Gov. Salceda, sa three days na­ming pananatili sa Albay ay nakita namin ang maganda niyang nagawa sa kanyang bayan. Kaya naman hindi kami nagtataka na pangatlong termino na niya ngayong halalan at sa tuwina’y unopposed siya. Meaning, walang kalaban.

vuukle comment

ALBAY

ALBAY ASTRODOME

BOSSING

BOSSING VIC

CHIZ

MAJA

MISIBIS BAY

TITO

TITO EDDIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with