^

Pang Movies

Jake may monthly allowance pa rin kay Kuya Germs kahit kumikita na

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mas excited pa si Jake Vargas sa manager niyang si German Moreno sa nalalapit na golden anniversary show ng huli: 50 Years With Master Showman.  April 24 ang imbitasyon at taping nito at sa April 27 ang airing sa GMA 7. May special participation si Jake kung saan kakantahan niya si Kuya Germs.

“Malaki po ang utang na loob ko kay Tatay Germs. Kung hindi po sa kanya ay hindi ko mararating ang nararating ko ngayon,” sabi ni Jake.

Ang alam namin, bukod sa kinikita ng young actor sa telebisyon ay meron din siyang monthly allowance kay Kuya Germs. Si Kuya Germs din ang sumagot ng gastos ng nanay ni Jake nung maysakit hanggang sa mamatay na last year. Kaya naman ganun na lang ang pagsisikap ni Jake na gantihan ang lahat ng kabutihan ng kanyang tatay-tatayan.

Mystica ipinagkatiwala ang pera sa napangasawa

Naiinggit yata kay AiAi de las Alas si Mystica (aka Ruby Villanueva) kaya nagpakasal din ito sa batambata niyang dyowa na si Edwin Nuas o Troy Montez last Monday. 

“Hindi ako naiinggit kanino man. Talagang nagmamahalan kami ng mahal ko at noon pang September 2012 kami nagli-live-in. Kaming dalawa ang nagdesiyon nito,” sabi ni Mystica.

Edwin is 25 years old while Mystica is 45 lang daw. Mabait si Edwin at mapapagkatiwalaan kaya napamahal dito si Mystica. Sa isang civil wedding sila ikinasal sa isang function room sa Great Eastern Hotel sa Quezon City.

Matched talaga si Mystica para kay Edwin na nagsabing gusto niya ng babaeng mature sa kanya at kaya talaga siyang alagaan. Gustung-gusto naman ni Mystica ang bagong asawa dahil marunong itong humawak ng pera niya.

Aray!                                                  

vuukle comment

EDWIN

EDWIN NUAS

GERMAN MORENO

GREAT EASTERN HOTEL

JAKE VARGAS

KUYA GERMS

MYSTICA

QUEZON CITY

RUBY VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with