^

Pang Movies

Alex tatlu-tatlo agad ang proyekto sa kapamilya

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Certified Kapamilya na ngayon si Alex Gonzaga pagkatapos nitong umalis sa TV5 at mag-ober da bakod sa bakuran ng ABS-CBN. Ngayon ay magkasama na sila ng sister niyang si Toni Gonzaga sa iisang kuwadra.

Actually, pagbabalik ito ng TV host at actress sa Channel 2 after five years dahil dito naman siya talaga nagsimula sa screen name na Cathy Gonzaga bago lumipat ng istasyon.

Two years ang pinirmahang kontrata ni Alex at Star Magic na ang hahawak ng kanyang career.

Ilan sa mga pinagbidahang  tele­serye ni Alex sa TV 5 ay Babaeng Hampaslupa, BFGF, Glamorosa, P.S.I Love You, at Enchanted Garden at naging host din siya ng Juicy.

Sa panayam sa kanya ng Umagang Kay Ganda ay  ikinuwento ni Alex na masaya siya sa mainit na pagsalubong sa kanya ng dati niyang home network.

 â€œParang iba yung feeling ko na first time ay nakatabi ko sila Ma’am Charo (Santos-Concio),” pahayag ni Alex.

Tatlo agad ang nakapilang proyekto ni Alex sa Dos.

Una na rito ang pagiging co-host niya sa The Voice of the Philippines, kung saan main host nito ay ang kanyang kapatid na si Toni Gonzaga.

Magiging parte rin si Alex ng gag show na Banana Split at may gagawin daw siyang teleserye.

 â€œAs of now, hindi ko muna yun pinapansin [lovelife].”

Sa kabilang banda, masaya naman si Toni para sa kanyang nakababatang kapatid na makakasama na niya sa iisang istasyon.

Sabi ni Toni, “Sobra akong excited kasi kung ano man ang ma-achieve niya, kung ano mang meron siya, meron din ako, dahil magsi-share kami.”

                                

vuukle comment

ALEX

ALEX GONZAGA

BABAENG HAMPASLUPA

BANANA SPLIT

CATHY GONZAGA

CERTIFIED KAPAMILYA

ENCHANTED GARDEN

I LOVE YOU

TONI GONZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with