^

Pang Movies

Palibhasa’y nabibiyayaan din aktres panay ang sulsol sa kaibigang ‘wag kalasan ang karelasyong mayaman at powerful

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Epal ang tawag sa kaibigan ng isang aktres dahil sa panunulsol nito sa tuwing may problema sila ng boyfriend. Sa halip na pabayaan lang ang dala­wa, mas madalas pa ang pangingialam ng kaibigan upang hindi kalasan ng boyfriend ang kaibigang aktres.

Sa tuwing nagkakagalit ang dalawa at tipong paayaw na ang babae, si friend ang pumipigil sa desisyon ng aktres. Kasi nga naman baka hindi masunod ang luho nito sa boyfriend na mayaman na eh powerful pa.

Siyempre nga naman, kapag nabibiyaan ang aktres, sahod-biyaya rin ang eksena ng kaibigan, huh! No wonder, maraming buwisit sa kaibigang epal ng aktres.

Boy 2 kinakabog sa ginastusang indie film

Kinakabog na si Boy2 Quizon sa nalalapit na showing ng iprinodyus niyang movie na Coming Soon. Although part producer siya kina Ronald Singsong at Neil Arce, may inilabas din siyang pera bukod sa pagiging isa sa lead stars ng movie.

Worried ang komedyante ’pag pina-sensor na ang pelikula. Marami kasi silang kalokohan at kapilyuhang ginawa sa barkada movie. Pero confident din siyang makakapasa sa review and classification board ang movie.

Bukod doon, hangad ni Boy 2 at co-producers na maka-break even man lang sila sa takilya. Ngayong hindi na nila kasabay ang My Lady Boss nina Richard Gutierrez at Marian Rivera, medyo nabunutan ng sila ng tinik dahil mga indie ang kasabay nila.

Sa Lunes ang celebrity premiere ng Coming Soon sa Greenbelt Cinema 2, Makati City.

Kim wala nang balak makita ang ama

Hawig sa tunay na karanasan sa buhay ang role ni Kim Rodriguez sa launching series niyang Kakambal ni Eliana na magsisimula sa GMA.

Iniwan kasi ng ama si Kim at ikinasama niya ng loob ‘yon. Hindi pa rin kinakausap ng young actress ang ama at wala na siyang balak makita pa ito.

Sa totoo lang, kung sino talaga ang inaabandona ang siya pang biniyayaan ng suwerte gaya ni Kim na ilang taon din ang naging bit player bago mabigyan ng solo starrer.

vuukle comment

COMING SOON

GREENBELT CINEMA

KIM RODRIGUEZ

MAKATI CITY

MARIAN RIVERA

MY LADY BOSS

NEIL ARCE

RICHARD GUTIERREZ

RONALD SINGSONG

SA LUNES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with