^

Pang Movies

Pinag-aaralan na araw-araw ang finances kasama ang kapatid Heart kontrolado na ang mga kontrata, endorsement, at lahat ng kikitain; Mommy initsapuwera na talaga

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

One taping day na lamang ay tapos na ang afternoon prime na Forever nina Heart Evangelista at Geoff Eigenmann na ang finale ay sa April 12 na. Inamin ni Heart na malungkot sila dahil matatapos na ang serye. Mami-miss niya ang mga kasamang artista, production staff, at si Direk Ricky Davao pero gusto na niyang matapos ang taping nila para makapagpahinga siya. Napagod ba siya sa taping kaya gusto niyang magpahinga?

Hindi lamang sa taping kundi sa lahat ng mga nangyari sa buhay niya, particularly ang pagtanggi ng parents niya sa relasyon nila ng boy­friend na si Sen. Chiz Escudero kaya siya napagod. Pero gusto niyang pumunta lamang sa sister niya sa San Francisco, California, siguro after na ng election, para makaboto muna siya. ’Yun nga lang hindi pa rin siya tutulong kay Chiz sa kampanya dahil personal ang relasyon nila at hindi dahil makatutulong siya sa kampanya nito.

“Ang laki ng support sa akin ng mga kasama ko sa Forever. May time na dahil hindi na ako makatiis na hindi umiyak, nagpa-two-hour dinner break si Direk Ricky. Wala naman akong ginawa kundi umiyak during the dinner break. Ang iba, ipinag-pray ako. Pero malaki talaga ang naitulong nila sa akin kaya I’ve decided na rin to fight. Parang it’s now or never. Kung noon, tinanggap ko ang mga unang nangyari sa akin dahil I’m still young, nga­yon, nag-mature na rin ako. 

“And Chiz is willing and able to do everything for me. I have to start again kasi iniwan ko ’yung condominium unit ko. I’m renting another condo. Nagpunta ako sa dati kong condo para kunin ang bills na kailangang bayaran ko, saka nandoon ang aso ko, mas mahirap ang situation ko ngayon. Paano kung pagpunta ko sa dati kong condo, nandoon sila? Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko? But if ever, ako naman I’m only hurt, but I’m not galit to them, because I really love them.

“I stopped crying na. I’m strong now. Lahat na ng mga contract ko, ako na ang haharap sa kanila, ang contract ko sa GMA Network, sa Viva Artist Agency, sa mga endorsement ko. Sa money ko, sa finances ko, ako na ang in control. I just wanted to do my own. My sister Camille is helping me. May lessons kami everyday tungkol sa accounts ko. Mahirap pero matututunan ko ring lahat iyon,” mahabang paglalahad ni Heart.

Ano ang susunod niyang plano sa kanyang career? Willing na si Heart to do a sexy pose sa glossy magazines but not with FHM. Payag ba ang se­nator boyfriend sa plano niyang iyon?

Sagot niya, “Wala naman siyang ibinabawal sa akin. I just want to go out of my comfort zone. Saka matagal na naman akong nagsusuot ng two-piece bikini sa mga show na ginawa ko. May gagawin din akong movie sa Viva with Derek Ramsay and Cristine Reyes. And I hope sa next project ko sa GMA, makatambal naman sina Aljur (Abrenica), Dennis (Trillo), and Alden Richards.”

         

vuukle comment

AKO

ALDEN RICHARDS

CHIZ

CHIZ ESCUDERO

DEREK RAMSAY AND CRISTINE REYES

DIREK RICKY

DIREK RICKY DAVAO

GEOFF EIGENMANN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with