^

Pang Movies

Ejay inaambisyon na ang narating nina Lito at Bong!

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Bukod kina Nonie Buencamino, Christian Vasquez, at Sunshine Cruz, pawang mga baguhan at kabataang artista ang bumuo ng series na Du­gong Buhay, isang kuwentong komiks ni Carlo J. Caparas, consider Ejay Falcon and Arjo Atayde who headline the cast. Which also include Ketchup Eusebio, Yam Concepcion, Jed Montero, at Ronnie Quizon. In special roles are Carlo Aquino, Ahron Villena, at Yen Santos.

Featured din nga pala ang mga maituturing nang veteran stars na sina Anna Capri, Pen Medina, at Lito Pimentel.

‘‘Sa totoo lang, when ABS-CBN proposed to me the idea na gawing series ang Dugong Buhay, na-excite ako,’’ kuwento ni Direk Carlo.

‘‘Kanila ring idea na gawing magkapatid, sa halip na mag-ama, ang mga pangunahing tauhan ng nobela. Ang ganda ng presentation ng mga writer assigned to do it, pumayag ako.”

In the original komiks ng Dugong Buhay which was made into a movie, directed by Direk Carlo J. for Imus Productions, top billed by Sen. Ramon Revilla, Sr. and Sen. Bong Revilla, Jr. who then was a virtual newcomer sa showbiz, mag-ama ang role na ginampanan ng mag-tatay din sa tunay na buhay.

It’s movie history that the film was a tremendous success sa box office at siyang nagsilbing daan para ma-attain ni Sen. Bong ang success na tinatamasa niya ngayon as actor and politician.

‘‘I foresee the same thing happening kina Ejay at Arjo, ang maging katulad din ni Sen. Bong na naging overnight sensation after Dugong Buhay, the movie. Yes, after the TV series,’’ madiing sabi pa ng Komiks King.

He’s glad as well that the director assigned to direct the series is Toto Natividad, an old hand ’pag action movies at TV series ang pag-usapan.

Young and equally dynamic director, Mickey del Rosario serves as Direk Toto’s assistant.

Mga tao rin behind the success ng much-admired morning series na Be Careful With My Heart ang bumubuo ng Dugong Buhay headed by Ginny Ocampo, ang business unit head ng ABS-CBN.

Ejay, as we all know, is a former Pinoy Big Brother (PBB) champ. Before Dugong Buhay, gumanap na siya sa ilang series pero ang serye ngayon ang itinuturing niyang kanyang biggest break at umakma raw ito sa kanyang pangarap na maging isang action star tulad ng kanyang idolong sina Sen. Bong nga at Sen. Lito Lapid.

Isang probinsiyano, who grew up in Mindoro, ’di raw akalain ni Ejay na magiging busy siya sa showbiz tulad ng nagaganap sa kanya ngayon. Ito raw ang dahilan kung bakit naitatanong niya minsan sa sarili na sana’y pumatok ang Dugong Buhay para ma-assure na siya ng stardom.

Si Arjo naman ay anak ng aktres na si Sylvia Sanchez. Ang businessman naman na si Art Atayde ang kanyang ama.

The Atayde’s own the restaurant, TJ, located malapit sa ABS-CBN compound.

Kaya natural lang na ang original na pangarap para sa kanya lalo ng kanyang ama ay ang makatapos siya ng pag-aaral. Para nga naman siya na ang mamahala ng kanilang mga business.

But as Sylvia said, ang maging aktor ang pangarap ng anak sa mula’t mula pa. Na mabuti na lamang at, in the end, ay pumayag na rin si Art.

Panganay si Arjo sa apat na magkakapatid na binubuo ng dalawang lalaki at dalawang babae.

Si Sylvia, bukod sa pag-aasikaso ng restaurant, busy din siya with two series pa. Be Careful with My Heart at Apoy sa Dagat, both on Channel 2, too.

vuukle comment

AHRON VILLENA

ANNA CAPRI

ARJO

ART ATAYDE

BE CAREFUL

BUHAY

DUGONG BUHAY

EJAY

SERIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with