^

Pang Movies

Kahit may Angelica pa Sarah hindi kinupasan ng nararamdaman kay John Lloyd

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Sayang, hindi nag-attempt si John Lloyd Cruz na ligawan si Sarah Geronimo. Naunahan kasi ng friendship ang kanilang relasyon nang una silang magsama sa dalawang pelikula bago ang palabas nila ngayong It Takes a Man and a Woman.

Eh may crush na pala si Sarah kay John Lloyd. If ever na nagpursige ang aktor sa aktres, tiyak yes agad. Wala ng pakiputan. Kaso nga nauna ang turingang magkaibigan kaya hanggang kaibigan lang ang namamagitan sa kanila.

Sabi nga ni Direk Cathy Garcia-Molina, parang hindi pa nagpi-fade out ang feelings ni Sarah kay John Lloyd dahil kumukuti-kutitap daw ang mata ng dalaga ’pag nasa set ang aktor.

Madir ni Heart tuloy sa pagdurog kay Sen. Chiz!

Hanggang ngayon pala hindi pa nagbabago ng akusasyon si Mrs. Cecile Ongpauco, ang beautiful mother ni Heart Evangelista, laban kay Sen. Chiz Escudero.

Paulit-ulit daw sa Twitter account nito ’yung mga sinasabi niya na tiyak na makakasira sa image ng senador. Makaapekto kaya ito o kaya ay maging dahilan ng pagiging kulelat niya sa kandidatura? May pa ang election at noong March 29 nagsimula ang campaign period. Almost one month pa ang itatakbo ng press release ni Mrs. Ongpauco at hindi siya hihinto hangga’t ’di naghihiwalay sina Heart at Sen. Chiz.

Hay naku, kung ako ang tatanungin, mag-usap kayong mag-dyowa. Mag-split muna kayo hanggang end of April. ’Tapos magbalikan na lang sa election day na. ’Yun lang!

Ate Gay nangingibabaw na co-host

Tatlong noontime shows ang naglalaban sa ere. Ang Eat Bulaga sa GMA 7, It’s Showtime sa ABS-CBN, at Wowowilie sa TV5. Pare-parehong may K panoorin.

So far, ang Eat Bulaga, na kumbaga sa babaeng single ay maituturing ng matandang dalaga, ang pinakamatatag na at hindi na kayang itumba kung ikukumpara sa dalawang kalaban.

Sa tatlong noontime shows, tanging si Willie Revillame ang nagso-solo na host at tanging si Ate Gay ang nangingibabaw sa mga alalay na co-host niya.

vuukle comment

ANG EAT BULAGA

ATE GAY

CHIZ

CHIZ ESCUDERO

DIREK CATHY GARCIA-MOLINA

EAT BULAGA

HEART EVANGELISTA

IT TAKES

JOHN LLOYD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with