^

Pang Movies

Young actor na maamo ang mukha, walang laman ang utak!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bobita Bumblebee (bobo) talaga ang isang young actor. Simpleng tanong lang, hindi nito naiintindihan. Guwapo nga siya’t maamo ang mukha pero hindi sapat iyon upang hindi na niya lagyan ng laman ang kanyang kukote.

No wonder, walang makatas na magagandang pahayag ang young actor kapag kinakausap siya ng press. Smile-smile lang ang madalas na tugon at walang lalim ang mga pahayag.

’Yan kasi ang kaganapan sa mga artistang hindi man lang inuna ang pag-aaral at ginagawang pasaporte sa showbiz ang kaguwapuhan. Pero kahit kulang sa laman ang utak, sana naman ay magbasa sila lalo na sa mga current event.

Pero kung minsan may mga artista ring nagkapag-aral man ay walang alam sa nangyayari sa bansa. To think na may role siyang pino-portray na may kinalaman sa gobyerno.

Dapat sa mga artistang walang tinapos, magkaroon sila ng initiative upang palawakin ang kaalaman hindi lang sa pagtatrabaho kundi pati na rin sa nangyayari sa bansa nang sa gayun ay hindi sila matawag na Bobita Bumblebee, huh!

Fans nina John Lloyd at Sarah makakatulog na ng mahimbing

Umaangal daw ang fans nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo sa pagpasok sa eksena nina Kris Aquino at James Yap at ang away ng parents ni Heart Evangelista sa anak kasi naman kasagsagan ng promotions ng movie ng dalawa na It Takes a Man and a Woman kaya ‘yung mga tao ay nawala ang focus sa movie.

Wish nga ng fans nina Sarah at Lloydie, matapos na ngayong Mahal na Araw ang balita sa kanila. Baka nga naman, maapektuhan ang third team up ng ka­nilang mga idolo!

Siyempre, mas gusto ng mga ta­ong subaybayan ang issue kina Kris, James, Heart at parents niya, at Sen. Chiz Escudero. Pero ngayong lu­ma­yas na ng bansa si Kris at quiet na si James habang si Heart ay nagbuhos na ng hinanaing sa telebisyon, puwede nang matulog nang mahimbing ang fans nina Sarah at JLC. 

Dominic kinayang maglagare

Humanga ang mga producer ng pelikulang Coming Soon na sina Ronald Singson, Neil Arce, at Boy 2 Quizon sa dedikasyon sa trabaho ni Dominic Rocco na isa sa main cast.

Kasi naman, dahil sa gusto niyang matupad ang commitment, nilalagare ng aktor ang shooting ng movie at     ta­p­ing ng Indio minsan.

Unang nag-report sa Indio si Dom. Then, after lunch ay bumiyahe siya sa Boso-Boso, Rizal. Then bumalik siya kinagabihan sa set ng Indio at nung madaling-araw ay sa The Fort, Taguig City, na last location ng Coming Soon, nagtapos.

No wonder, kinabiliban ng mga producer ang ginawa ni Dom bilang pakikisama sa mga kaibigan at pagtupad sa nagsabay-sabay na commitments.                                                     

vuukle comment

BOBITA BUMBLEBEE

CHIZ ESCUDERO

COMING SOON

DOMINIC ROCCO

HEART EVANGELISTA

INDIO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with