^

Pang Movies

Gerald hindi pa kumpleto ang buhay

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - As much as gusto sana ng Kapamilya actor na maging private ang kanyang love life ay hindi maiiwasan na palagi itong nauungkat sa kanya. Kum­plikado pa nga lalo ito dahil after ng failed courtship ni Gerald Anderson ay kay Maja Salvador naman siya nali-link na alam naman ng lahat na best friend ng ex-girlfriend niyang si Kim Chiu.

Mukhang stable na naman ang buhay pag-ibig ng binata sa piling ni Maja bagama’t wala pang formal na pag-amin mula sa dalawa. Pero handa na ba si Gerald na harapin ang challenging year ngayong taong ito? 

“There’s always a rainbow after the storm. Kailangan lang maging positive. Siyempre kasama talaga ’yan eh. Kung hindi ka magiging strong, dun magiging mahirap, so you should stay strong,” sagot ng guwapong binata.

Ang lahat daw ng pinagdaraanan niya sa buhay ay malaking impact sa kanyang pagkatao. 

 â€œTulad ng sinabi ko dati, dun natin malalaman kung sino talaga tayo. Hindi sa panahon na successful tayo o nasa taas tayo kundi sa mga panahon na marami tayong problema. May mga pinagdadaanan tayo pero I’m very happy right now,” saad pa ni Gerald.

Meanwhile, sa bago niyang teleseryeng Bukas Na lang Kita Mamahalin ay excited na siya.

 â€œTuluy-tuloy po ang taping namin ’tapos sobrang excited na rin kami. Excited kami sa show na ito na maipalabas para mapanood ng mga tao kasi iba naman siya, iba siya sa Budoy,” sambit pa nito.

May kulang pa ba sa kanyang buhay gayong successful na ang kanyang career at may love life pa?

“Siyempre wala namang buhay na kumpleto, ’di ba? Puwede tayong maging kuntento at masaya kung ano’ng meron tayo ngayon pero siyempre sa ngayon, bata pa naman ako, ang dami ko pang gustong gawin,” sabi ng young actor. 

                               

 

 

vuukle comment

BUDOY

BUKAS NA

GERALD ANDERSON

KAILANGAN

KIM CHIU

KITA MAMAHALIN

MAJA SALVADOR

SIYEMPRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with