^

Pang Movies

Carmi hindi matanggap-tanggap na ’70s star pa

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Masayang-masaya si Carmi Martin nang mag-reunite sila nina Phillip Salvador at Gina Alajar sa afternoon drama series na Unforgettable ng GMA 7. Tinatawag kasi silang Lino Brocka Babies  dahil sa mga pelikulang ginawa nila sa ilalim ng yumaong award-winning director.

Ikinatutuwa ni Carmi na kahit na lumipas na ang maraming taon ay active pa rin silang tatlo at ngayon ay magkakasama pa sila sa isang TV series.

“Sino ang makakapagsabi na puwede pala kaming magkasama ulit, ‘di ba? Husband ko si Kuya Ipe at director naman namin si Gina.

“Huli kaming nagkasama-sama sa movie ni Lino na Kapit sa Patalim: Bayan Ko noong 1985 pa. Magkakasama pa kaming nag-attend ng Cannes Film Festival that year.

“May nagbiro nga na mga artista ng ‘70s, ‘80s, ‘90s, at 2000s ay nagsama-sama dito sa Unforgettable,” pahayag ni Carmi.

Inunahan na ng aktres na nasa dekada 80 siya.

“Kahit mag-research sila, 1980 ako nagsimula sa Dolphy’s Angels. Ang mga ‘70s ay sina Kuya Ipe at Direk Gina.

“Pinagpipilitan nilang ‘70s star ako. Pumoprotesta ako talaga!” sabay natawa si Carmi.

Hindi nga nawawalan ng trabaho ang sexy at single pa ring aktres, mapa-TV man o pelikula. Napanood siya sa TV series na Broken Vow at nakadalawang pelikula siya last year -- The Healing at The Mistress.

“Marami lang kasi akong kaibigan kaya hindi tayo nawawalan ng trabaho,” tawa uli niya.

“Kasi I can work with both GMA 7 and ABS-CBN. Ako, long-standing na ang friendship ko with the people of both networks dahil sila ang nagbibigay ng trabaho sa akin. I am just thankful na hindi nila ako nakakalimutan na isama sa mga bagong show,”

Young actor nawawalan na ng boses, manager sinisisi sa pagsusunud-sunod ng raket

Marami ang nagkaroon ng concern sa isang young actor na nakakakanta dahil nawawala na ang magandang boses niya. Sa isang event sa probinsiya na naimbitahan siya ay ilang beses pumiyok at nawala sa tono nung kunanta.

Nakakagulat dahil maayos naman ito kumanta. Pero ilang beses na palang nagkakagano’n ang young actor at nirereklamo na siya ng mga show producer.

Sinisisi ang kanyang manager dahil sobra na raw nitong pinapagod sa raket ang young actor. Bukod kasi sa puyat na ito sa taping ay dinadala pa ito sa mga show sa probinsiya kaya wala nang pahinga. Kaya ‘di nakapagtataka na pagod na rin ang boses at hindi na makakanta ng maayos.

Pinagsabihan na ang manager na pagpahingahin naman ang alaga or else masisira rin ang performance. Meron pa naman daw itong gagawin na album.

Kaya ang manager ay agad na kinansela ang bookings sa mga pista. Mabuti na lang at wala pang mga downpayment dahil baka mademanda siya. Na-realizer rin niya na importante ang kalusugsan ng kanyang alaga kesa sa mawalang tuluyan ang boses.

vuukle comment

BAYAN KO

BROKEN VOW

CANNES FILM FESTIVAL

CARMI

CARMI MARTIN

DIREK GINA

GINA ALAJAR

KUYA IPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with