^

Pang Movies

Pumipiyok-piyok na: Young actor na sinasagad ng manager sa raketan, laspag na ang boses

Ruel Mendoza - Pang-masa

MANILA, Philippines - Marami ang concern sa young actor na ito dahil nawawala na ang magandang boses nito kapag kumakanta.

Sa isang event sa probinsiya kung saan naimbitahan si young actor na kumanta ay ilang beses itong pumiyok at nawala sa tono.

Nakakagulat dahil maayos naman daw itong kumanta. Pero ilang beses na palang nagkakaganun si young actor at nirereklamo na siya ng mga show producers.

Sinisisi nga ang manager nito dahil sobra na raw nitong pinapagod sa raket ang young actor. Bukod kasi sa puyat na ito sa taping, dinadala pa ito sa mga shows sa probinsya kaya wala na itong pahinga.

Kaya ‘di nakapagtataka na pagod na rin ang boses nito at hindi na makakanta ng maayos.

Pinagsabihan na ang manager ni young actor na pahingahin na ito or else masisira ang boses nito. Meron pa naman daw itong gagawin na album.

Kaya ang manager ay agad na kinansela ang mga bookings nito ng mga piyesta. Mabuti na lang at wala pang mga downpayments dahil baka mademanda siya.

Importante raw ang kalusugan ng kanyang alaga kesa sa nawalan ito tuluyan ng boses.

vuukle comment

ACTOR

BUKOD

KAYA

MARAMI

MERON

NAKAKAGULAT

PERO

PINAGSABIHAN

SINISISI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with