^

Pang Movies

Cha-cha girl hindi na mapigilan

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Ngayong Sabado, March 9, na ang first telecast ng family sitcom ng Eat Bulaga family, ang Vampire ang Daddy Ko sa GMA 7.

Lahat halos ng Dabarkads, sa pangunguna ni Vic Sotto, ay napabilang sa main characters. Pero si Oyo Sotto ang super happy dahil bidang-bida silang dalawa ng tatay niya at mahaba ang papel na ginagampanan. Start pa lang ng programa, kasama na siya sa unang episode.

At uy, hindi na mapipigilan talaga ang kasikatan ng “cha-cha girl” na si Ryzza Mae Dizon, big star din siya sa Vampire ang Daddy Ko at sparring sila ni Big Boy na si Jimmy Santos. Sila ang duo na puro katatawanan ang gagawin sa Saturday night sitcom.

Daniel hindi kapani-paniwala na nagbago na

Parang hindi true na nagbago na ang Padilla boys. Na ’pag sinabing may dugong Padilla ang isang artista, ang kahulugan ay ma-chicks, babaero. Like Robin Padilla, Rommel Padilla, at pati na rin si Dennis Padilla. Ang latest nga ay ang bagets na si Daniel Padilla.

Sabi kasi ni Daniel, ang idolo ng masang kabataan ngayon, nagbago na raw silang mga Padilla. Hindi na sila babaero. At least, hindi kasama sa ganyang tatak si Rustom Padilla na si BB Gandang­hari na ngayon. Iba na ang gusto niya. Tinanong kasi si Daniel sa grand presscon ng pelikula nila ni Kathryn Bernardo, ang Must Be… Love, ang status ng relasyon nila, sila na ba? Hindi ba luluha si Kathryn sa kanya?

Sagot ni Daniel, hindi pa raw sila pero may pagtatangka na maging sila na. At kapag sila na, hindi raw niya paiiyakin si Kathryn dahil mahal niya ito (inamin din).”

Gano’n? Parang hindi naman kapani-paniwala. Panoorin na lang ang Must Be… Love ni Direk Dado Lumibao under Star Cinema.

 

vuukle comment

BIG BOY

DADDY KO

DANIEL PADILLA

DENNIS PADILLA

DIREK DADO LUMIBAO

EAT BULAGA

MUST BE

PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with