^

Pang Movies

Jericho pinag-aaralan ang TV at movie offer ng Malaysia, nagulat na marami siyang fans doon

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi inaasahan ni Jericho Rosales na isang malaking star pala siya sa Malaysia at Cambodia. Sa imbitasyon sa kanya ng dalawang Asian countries na dumalo roon, nagulat si Echo sa kanyang nasaksihang fans na naghihintay sa kanya.

Akala raw ni Echo ay Filipino fans ang nasa Kuala Lumpur, ’yun pala ay Malaysians na nag-aral pang magsalita ng Tagalog para lang makausap nila ang kanilang idol.

Gayundin daw sa Cambodia na sinugod si Echo ng kanyang Cambodian fans dahil sikat na sikat ang mga series niyang pinapalabas doon.

Naging instant star si Jericho dahil sa role niya as Angelo sa drama series ng ABS-CBN na Pangako sa ‘Yo. Hit din sa dalawang Asian countries ang iba pang series ni Echo na Sana’y Wala Nang Wakas, Pangarap na Bituin, Kahit Isang Saglit, Dahil May Isang Ikaw, at Dahil sa Pag-ibig.

Sa Malaysia ay may offer kay Echo para gumawa ng pelikula at TV shows. Pinag-aaralan pa ng management ng aktor ang mga offer dahil marami pa siyang commitments dito sa Pilipinas.

Pero willing si Echo na subukan ang career niya sa Malaysia dahil may growing fan-base na nga siya roon.

Glaiza nilayasan na nga ang manager

First time gagawa ng sitcom si Glaiza de Castro kaya tuwang-tuwa siya sa role niya sa Vampire ang Daddy Ko dahil sexy vampire siya named Vavavoom. Maging sa kanyang costume ay natuwa siya at unang pagkakataon niya itong makatrabaho si Vic Sotto. Ka-love triangle niya kay Vic si Jin Ri Park.

Okay lang kasi na kontrabida ulit ang role niya dahil comedy naman ito at paglalaruan niya ang character niya.

Tinanong din si Glaiza tungkol sa issue na hindi na si Manny Valera ang manager niya. Naghahanap ito ngayon ng bagong manager.

Nilinaw ni Glaiza na wala silang naging problema ng kanyang manager. Nag-expire na kasi ang managerial contract niya pero hanggang September pa raw siyang mahahawakan nito dahil sa GMA 7 contract niya ay nakapirma si Manny bilang manager.

Kahit hindi na niya manager si Manny, tuloy ang trabaho nila with one another pagdating sa mga project.

 â€œHindi pa ako naghahanap ng bagong manager. Bale si mommy ko muna ang mag-aasikaso sa ilang trabaho na papasok para sa akin,” paliwanag pa ni Glaiza.

 

vuukle comment

DADDY KO

DAHIL

DAHIL MAY ISANG IKAW

GLAIZA

JERICHO ROSALES

JIN RI PARK

KAHIT ISANG SAGLIT

KUALA LUMPUR

MANAGER

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with