^

Pang Movies

Cacai aminadong mukhang alalay lang ni Mario Maurer

- Vinia Vivar - Pang-masa

Ang kinaiinggitan nga­yon ng lahat ng kababaihan na si Cacai Bautista ay nagsalita na hinggil sa napapabalitang relasyon nila ng Thai Superstar na si Mario Maurer.

Unfortunately (or fortunately?), itinanggi niya ang rumored relationship at say niya, wala namang ibang namamagitan sa kanila ni Mario kundi friendship lang talaga.

“Magkaibigan lang po talaga kami ni Mario Maurer. Nothing romantic. Wala po. Kumalma silang lahat. May pag-asa pa kayong lahat, guys,” sabi ni Cacai sa interbyu niya sa TV Patrol.

Idinagdag din niyang huwag sanang magalit sa kanya ang mga tao (especially of course ang mga may crush din kay Mario) dahil hindi naman niya kasalanan na naging magkaibigan sila ng sikat na Thai actor. Sadya lang talagang mabait ito at mapag-alaga.

Pero mukhang open din naman si Cacai kung sakaling mapunta nga ang friendship nila sa isang magandang relasyon. Na siyempre naman. Sino ba naman ang hindi, ’di ba?

“If it’s really destined to happen, it will happen, ’di ba? So, right now, I’m very happy with our friendship,” sabi ng komedyante.

Nagbigay din siya ng mensahe para sa kayang Thai friend.

“I’m really lucky to have a friend like you not because you are a Superstar but because you are a good person,” say niya.

Say pa niya, “Parang nakakita siya ng mascot sa akin. At least, ’di ba, magkaibigan kami kahit mukha akong alalay sa tabi niya?”

Naku, gawa na lang kayo ng teleserye rito, buti pa!

Dingdong walang pakialam sa haters

Okay lang kay Dingdong Dantes kung may mga nang-iintriga sa Best Drama Actress award na tinanggap ng girlfriend na si Marian Rivera sa nakaraang Golden Screen TV Awards.

“Mas maganda nga na may kumukuwestiyon kesa oo lang nang oo lahat, ’di ba? Parang hindi balanse ang mundo kapag ganoon lang lahat, ’di ba?” say ng aktor.

Kahit may haters, ani Dingdong, ang importante naman ay basta’t nakapagbibigay ng saya si Marian sa mga tao.

“Kumbaga, ang importante, ipinagpapatuloy lang ang ginagawa niya kahit na may kung anu-anong haters on the side,” he said.

Tamah!

 

vuukle comment

CACAI

CACAI BAUTISTA

DINGDONG DANTES

DRAMA ACTRESS

GOLDEN SCREEN

LANG

MARIAN RIVERA

MARIO MAURER

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with