^

Pang Movies

Role ng ‘babae’ ni Cesar mas mahaba pa kay Alessandra

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nakakaiyak pala talaga ang eksena na nagkita si Manila City Mayor Alfredo Lim at ang kanyang estranged mother.

Napaluha ang mga reporter na nakapanood sa Alfredo S. Lim, The Untold Story dahil na-feel nila ang malaking tampo ni Mayor Lim sa nanay niya na nag-iwan sa kanya sa Hospicio de San Jose sa Manila City.

Ang sabi ng mga reporter na umapir sa press preview, ang husay-husay ni Cesar Montano bilang Alfredo Lim at ni Gina Alajar na gumanap bilang nanay niya.

Hindi raw malabo na ma-cite ng mga award-giving body ang performance ng dalawa sa filmbio ni Mayor Lim.

Ang SM Manila Cinema ang venue ng red carpet premiere ng Alfredo S. Lim, The Untold Story sa Feb. 26.

Si Alessandra de Rossi ang gumanap na misis ni Cesar sa pelikula. May kissing scene ang dalawa sa pelikula at bigay na bigay sila sa kanilang paghahalikan.

Naalaala ko tuloy ang balita na nag-emote si Alessandra sa kissing scene nila ni Christopher de Leon sa Pahiram ng Sandali. Ang tsismis, labag sa kalooban ni Alessandra ang kissing scene nila ni Boyet pero wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa hinihingi ng script at ng direktor na si Maryo J. delos Reyes.

Nakalagay ang name ni Sunshine Cruz bilang executive producer ng Alfredo S. Lim, The Untold Story.

Panoorin kaya ni Sunshine ang pelikula na ipinrodyus nila ni Cesar or dedma siya dahil wah niya feel na makita si Krista Miller?

Ang say ng mga reporter, may kahabaan ang role ni Krista. Ito kaya ang sinasabi ni Sunshine sa kanyang emote na naging siyam na araw ang dating dalawang araw na shooting ni Krista? Hindi naman siguro pantay ang mga role nina Krista at Alessandra huh?!

OPM Musicfest nakadagdag-saya sa Hot Air Balloon Festival

Ngayon ang second day ng OPM Music Festival sa Clark Airbase, Pampanga. Kasabay ng musicfest ang Hot Air Balloon Festival na ipinakita sa mga news program noong isang gabi.

Tama ang sinabi ni Ogie Alcasid na mag-e-enjoy ang mga manonood ng OPM Music Festival dahil masaya at ang gaganda ng mga hot air balloon. Wish ko lang, hindi naapektuhan ng pangit na panahon kahapon ang paglipad ng mga hot air balloon na iba-iba ang disenyo at nagkakahalaga ng daan-daang libong piso.

Sharmaine nakadiskubre ng bagong exercise kaya biglang pumayat

Happy si Sharmaine Arnaiz dahil seven pounds na raw ang nababawas sa kanyang timbang dahil sa isang klase ng exercise na nadiskubre nila ng mga kaibigan niya.

Ang pumayat ang main goal ni Sharmaine. Nasubukan na niya ang lahat ng klase ng pagpapapayat pero wah effect hanggang ma-discover ng aktres ang very effective na exercise.

Isa si Sharmaine sa mga aktres na may magandang mukha, kesehodang lumobo ang kanyang katawan. Kapag nagtuluy-tuloy ang pagpayat ni Sharmaine, siguradong lalong gaganda ang kanyang face at madaragdagan ang self-confidence niya.

Unforgettable cast bibisita sa Startalk

Today is Saturday. As usual, huwag ninyong kalimutan na panoorin ang Startalk dahil ang hottest showbiz news ang ihahatid namin sa inyo. Live guests namin ang cast ng Unforgettable, ang pang-hapon na drama show ng GMA7 na mapapanood simula bukas.

vuukle comment

ALESSANDRA

ALFREDO LIM

ALFREDO S

HOT AIR BALLOON FESTIVAL

KRISTA

MAYOR LIM

MUSIC FESTIVAL

SHARMAINE

UNTOLD STORY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with