^

Pang Movies

Kylie ayaw sirain sina Aljur at Kris

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Si Kylie Padilla na mismo ang tumatanggi na may gawin silang TV series ng boyfriend niyang si Aljur Abrenica. Kahit na nga may mga project na bagay sa kanilang dalawa, hindi pa komportable si Kylie na makatambal ang kanyang real-life boyfriend sa isang project.

Out in the open na ang relasyon nila kaya marami ang nagtataka kung bakit aayaw pa si Kylie?

“Hindi naman po sa ayoko pero I feel that hindi pa ako ready to do a big project with Aljur. I want to make a name for myself first. Iba na kasi po ang level ni Aljur. He’s already there. Ako kasi I feel na baguhan pa rin. People still associate me with my dad (Robin Padilla).

“Kapag recognized na ako as Kylie Padilla, that will be the time that I can do a project with Aljur,” katuwiran ng teen actress.

Pero nagbida na si Kylie sa dalawang teleserye na parehong nag-rate (Blusang Itim at The Good Daughter) sa GMA. Ngayon ay bida ulit siya sa Unforgettable kaya masasabi ngang may malaking name na siya.

Hindi kaya natatakot lang si Kylie sa fans nina Aljur at Kris Bernal na balitang mga basher daw ni Kylie sa Twitter? Na baka magkaroon ng hindi magandang reaction ang mga ito kapag natuloy ang project niya with her BF?

“I have nothing against the Aljur-Kris fans. Nauna naman talaga si Kris sa buhay ni Aljur. Hindi ko na maiaalis iyon. And I respect them.

“Sa bashers, hindi ko na lang po sinasagot. Tinuruan po ako ng mga magulang ko na gumalang sa mga tao, matanda man o bata. I don’t have to tweet anything back.

“Wala naman po akong ginagawang masama kaya wala po ako dapat na ipaliwanag sa kanila,” paliwanag ni Kylie.

Celebrity Bluff nakaraos na sa unang season

Mapapa-fact at mapapa-bluff ka habang kinikilig dahil tatlong showbiz couple ang magsyu-showdown ng talino at lakas ng loob sa ngalan ng kalahating milyong piso sa buena manong salvo ng 2nd season  ng Celebrity Bluff!

Singer-hitmaker couple Jessa Zaragoza and Ding­dong Avanzado; hot and sexy couple Aubrey Miles and Troy Montero; sweet and newly-wed Precious Quigaman and Marco Alcaraz.

Ang tanong na humamon sa mga pares… sa isang survey sa United Kingdom, ano ang pinaka-turn off daw sa isang babae? Babaeng nagyo-yosi, babaeng bigotilyo, o babaeng may tattoo? Sino o ano ang kinatatakutan ng taong may Pentheraphobia? panther ba o biyenang babae?

 

 

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

AUBREY MILES AND TROY MONTERO

BLUSANG ITIM

CELEBRITY BLUFF

GOOD DAUGHTER

JESSA ZARAGOZA AND DING

KYLIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with