^

Pang Movies

Utol ni Anne malaki na ang nagagastos sa pagbabalik-balik sa bansa at Australia!

Lanie Mate - Pang-masa

MANILA, Philippines - Swak si Jasmine Curtis para gawing role model ng mga bagets ngayon dahil ang isa sa mga reason at bargain niya sa kanyang mommy at Ate Anne Curtis para payagan siyang mag-stay sa ’Pinas ay ang mag-enrol siya ng college kahit kasabay pa ng kanyang showbiz career sa TV5.  

 â€œI want to have a good education and at the same time I can work also,” katuwiran ni Jasmine sa kanyang mommy at Ate Anne.

Pare-pareho rin kasi silang nanghihinayang sa pamasahe niya tuwing pabalik-balik siya from Australia papuntang ’Pinas.

Kung ang ibang artista ay iniiwan ang kanilang schooling dahil sa kanilang showbiz career, wala ito sa plano ni Jasmine. Pagsasabayin pa niya ang kursong business management na wish niyang makapasok sa Ateneo.

   “I have to learn. I know it’s hard but this is what I promised to them. Hindi naman kailangan ng full load. Time management lang,” sabi ng young actress na nasasanay na sa showbiz.

Suportado rin siya ng kanyang ate sa kanyang balak na mag-solo na anytime gusto niyang bumalik sa pinare-renovate na pad sa Ortigas, Pasig City ay welcome ang kapatid.

   “I have learned to adjust in my new life. Patience, patience, and lots of work,” determinadong sabi ng 18 years old sis ni Anne.

Isa pala sa nakakawala ng kanyang stress ay ang pagko-collect ng key chains. Hindi ordinaryong key chains kundi galing sa iba’t ibang bansa na napuntahan na niya. Minsan daw ay ito ang bilin niyang pasalubong sa kanyang friends kapag nagpupunta ang mga ito sa abroad.

 

vuukle comment

ATE ANNE

ATE ANNE CURTIS

ATENEO

ISA

JASMINE CURTIS

KANYANG

MINSAN

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with