^

Pang Movies

Jasmine hindi kaya ang ‘trip ni Anne sa biritan

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Kung nagpipilit si Anne Curtis na maging trying hard singer, ayaw daw itong sabayan ng nakababatang kapatid niyang si Jasmine Curtis-Smith.

Ibang klase raw kasi ang “trip” ng kanyang ate pagdating sa singing at hindi raw niya kayang maki-level up dito.

“Puwede bang dancing-dancing na lang ako?” sabay tawa ng teen Kapatid star.

Kahit nga hindi raw niya sister si Anne ay ikukumpara pa rin daw siya sa ibang tao. Kaya tanggap na niyang lagi siyang iko-compare sa ate niya lalo na sa mga achievement nito. Pero wish ni Jasmine na marating din ang success ng kanyang Ate Anne at magtagal din sa showbiz.

Derek interesado sa history ng Pilipinas

Hanep si Derek Ramsay, dream role niya ay ’yung tipong historical o war film lalo na ang part ng Philippine history. Samantalang wala naman siyang dugong Pinoy.

Nagpaparinig ba siya dahil tulad nina Cesar Montano at ER Ejercito ay gumanap na sila sa nakaraang filmfest bilang Emilio Aguinaldo at Andres Bonifacio role?

Kaya nga raw niya ginawa dati ang Corazon film ng Star Cinema dahil period movie iyon at kakaibang drive ang hatid sa kanya.

Daniel hirap maghanap ng bagong karelasyon

 Natawa lang si Daniel Matsunaga sa comment na hindi siya boyfriend material. Pang-display lang daw ang kaguwapuhan ng Brazilian/Japanese model.

“I love ladies but still I’m waiting for the right one,” katuwiran nito kaya wala pa raw siyang nililigawan sa ngayon.

“I haven’t found the special girl.”

Pero ready naman daw siyang pumasok sa bagong relationship, wala pa nga lang siyang makita. Kaya wala siyang ka-date ngayong Valentine’s Day.

Basta raw ini-enjoy lang niya muna ang kanyang trabaho sa TV5. Maganda raw agad ang pasok ng kanyang career ngayong taon. Ang love life naman ay nandiyan lang sa tabi-tabi at ’pag dumating na ay tiyak na hindi niya tatanggihan.

“Basta nandiyan na ang moment I won’t resist,” paniniguro niya.

 

 

vuukle comment

ANDRES BONIFACIO

ATE ANNE

CESAR MONTANO

DANIEL MATSUNAGA

DEREK RAMSAY

EMILIO AGUINALDO

KAYA

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with