^

Pang Movies

Carla nagka-problema sa gagawin sa GMA kaya nganga muna!

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagkaroon pala ng problema sa dapat ay next pro­ject na pagbibidahan ni Carla Abellana sa GMA 7 after ng teleseryeng Makapiling Kang Muli na pinagbidahan niya. Kaya ngayon ay naghihintay pa siya sa susunod niyang trabaho.

 â€œActually, meron na sana pero talagang pinag-iisipan pa nang mabuti ng GMA kung itutuloy nila iyon dahil sobrang matrabaho siya. At bukod doon, magastos pa,” sabi ni Carla.

Naikuwento rin niya na fan siya ng tambalan nina Geoff Eigenmann at Heart Evangelista kaya minsang nanood siya ng Forever ay na-touch siya.

 â€œActually, isang episode pa lang ang napanood ko. Nakakaiyak ang part na binugbog ang character ni Geoff, ’tapos pinaghiwalay sila ni Heart. Nakakaawa… sobrang convincing. Inggit ako sa kanila. Hindi dahil sa magka-love team sila kasi ang ganda ng chemistry nila,” papuri niya sa serye ng boyfriend.

Sa isang recent interview dito sa PM ay may nasa­bi si Geoff na kapag nag-propose siya, gusto niyang within three to six months ay kasalan na.

“Siyempre church wedding ang gusto ko dahil ako’y Catholic. Importante iyon, kahit sa pinakama­liit na simbahan.

“Alam ko na kung sino ang videographer, ang florist, ang photographer. Groom na lang ang wala, at saka date,” biro ng Kapuso actress.

 â€œPara kung dumating man ’yung day na iyon, dire-diretso na. Na bago pa siya magpo-propose, dapat nakaayos na lahat or secured na lahat. So, matagal pa bago ’yung time na ’yun dumating.”

Ang feeling ng marami, sina Carla at Geoff na ang magkakatuluyan. Ano ang masasabi ng Kapuso actress dito?

“Eh sana naman! ’Di ba? Huwag lang nila feeling... ipagdasal din sana nila,” sabi ni Carla.

Pero ready na ba siya in case mag-propose na ang aktor?

“Hindi pa. Definitely not now, not soon. Ang dami pang kailangang ayusin bago ako maging prepared for that,” sagot niya.

May dream wedding set-up na ba siyang naiisip?

“Sus! Bata pa ako may dream wedding na ako. Dalawa kami ng ate ko,” mabilis na tugon ni Carla.                                                               

 

vuukle comment

CARLA

CARLA ABELLANA

GEOFF

GEOFF EIGENMANN

HEART EVANGELISTA

KAPUSO

MAKAPILING KANG MULI

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with