^

Pang Movies

That’s hindi na napalitan ng GMA, mga artistang nadiskubre hindi talaga mapantayan!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon -

Nahilingan kami ni German Moreno noong isang gabi nang dumalaw siya sa Star City, ibalita naman daw namin ang malaking preparasyong inihahanda nila sa Walang Tulugan with Master Showman bilang pag-alala sa That’s Entertainment. Alam ninyo, labing-pitong taon matapos na alisin ng Channel 7 ang programa ni Kuya Germs on the air, hinahanap pa rin ng mga tao. Bakit nga hindi eh karamihan ng mga sikat na artista sa ngayon galing sa show na ’yun?

Ang Channel 7, marami na rin namang nakuhang mga palpak na executive kahit na noon eh. Suwerte nga lang sila na noong araw ay nariyan sina Helen Vela, Inday Badiday, si Kuya Germs, at si Vilma Santos. Ang mga ’yan ang bumuhay sa Channel 7. Nang naging masyadong powerful na ang mga palpak nilang executive, kung anu-anong shows na ang inilagay na bumagsak din naman.

Example na nga lang ang That’s Entertainment. Ang late afternoon, patay na oras iyon sa telebisyon eh. Doon inilagay ang That’s Entertainment. Ang nakalaban naman nila ay ang Big Big Show ng BBC 2 noon kung saan naroroon ang lahat ng sikat na bagets stars.

Si Kuya Germs, nag-recruit ng mga baguhan na kung sabihin pa noong una ay mga walang karapatan. Pero naitumba nila ang malakas nilang kalaban. Ang That’s Entertainment, lumaki iyon at mahigit na dalawandaang talents ang nagpapalitan araw-araw. Ang sinusuwelduhan doon ng Channel 7, 27 talents lang. Ang suweldo nila, dalawang libong piso isang buwan lang. Kung iisipin na ang mga bata ay lumalabas sa araw ng show nila at may production number pa ng Sabado, lumalabas na ang bayad sa mga iyon ay P250 lamang bawat show. Pero nakakabawi sila dahil sikat nga sila eh at sila ang kinukuha sa mga fiesta, sa ribbon-cutting at kung anu-ano pa. Ang ibang talents, si Kuya Germs pa ang nagbibigay ng allowance mula sa kanyang sariling bulsa.

Isang show na gano’n kaliit ang budget at mataas ang ratings, pinatay ng mga palpak nilang executives dahil sa paniwalang mas magaling sila? Eh ano ang nangyari, may sumikat ba sa mga binigyan nila ng build up? Sinong artista ang napasikat ng Channel 7 na kagaya noong mga galing noon sa That’s Entertainment? Sabihin nga ninyo.

Mayroon ba sa kanilang nakatapat kay Lea Salonga, Francis Magalona, Ruffa Gutierrez, Manilyn Reynes, at iba pa?

Ang isang ginawa nilang bida sa isang multi-million peso musical na nag-flop din sa takilya, hindi ba hanggang ngayon ay starlet pa rin? Ang mga na-discover nila, either naglipatan na ng network at doon sumikat ay iyong mga naiwan naman sa kanila pinipilit nilang pagsama-samahin sa isang grupo para lang may makuhang trabaho.

Wala pa talagang makapantay sa That’s Entertainment. Pero ang nangyari sa Channel 7, ’yan din ang nangyayari sa isa pang network ngayon na mahilig namang kumuha ng mga palpak ding executives. Hindi ba naman Kuya Germs?

vuukle comment

ANG CHANNEL

ANG THAT

BIG BIG SHOW

FRANCIS MAGALONA

HELEN VELA

INDAY BADIDAY

KUYA GERMS

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with