^

Pang Movies

Sex partner halos mabingi TV personality na lalaki pala ang habol, makabasag eardrum sumigaw pag nakikipag-sex

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Windang na windang daw ang isang TV personality at halos mawalan daw siya ng ulirat kapag pinu-foreplay na siya ng sex partner!  Halos mabasag daw ang eardrums ng kapareha niya sa kasisigaw nito kapag umaabot na sa climax ang pagtatalik nila, huh! Buti na lang daw, soundproof ang kuwarto ng personality kaya silang dalawa lang ang nakakarinig sa hiyawan!

Sa totoo lang, lalaking-lalaki kung tingnan ang personalidad. Pero lalaki pala ang tipelya niya at hindi babae, huh! Eh, may dating at appeal pa naman ang bading kaya hinayang na hinayang ang mga kakilala nito sa sexual preference niya!

Hindi alam ng personalidad na may mga tsismoso siyang kaibigan na ikinukuwento ang kanyang sexcapades. Kaya naman kumalat ang malalakas niyang tili at ungol kapag kinakalantari na siya ng lalaking naite-take home, huh!

Kampo nina Sarah at Solenn, may issue sa billing

Naririnig naming may billing issue raw kina Sarah Lahbati at Solenn Heussaff sa pelikula nilang Seduction. Kapwa naninindigan ang mga namamahala sa careers ng dalawang aktres na dapat ay mauna ang pangalan ng alaga nila!

Rason ng tagapagtanggol ni Sarah: “Mas senior naman si Sarah kesa kay Solenn. Mahigit isang taon lang siya sa showbiz! Kaya dapat lang na siya ang mauna sa billing!”

Sey naman ng taga-depensa si Solenn: “Mas mabenta si Solenn sa pelikula at sa TV kesa kay Sarah. Mas marami na rin siyang nagawang pelikula. Kaya sa accomplishments, mas lamang si Solenn kesa kay Sarah kahit mas seniors ito sa kanya sa showbiz!”

Although may kanya-kanyang punto ang malalapit kay Sarah, paghiwalayin na lang kasi ang billing ng dalawa sa posters at sa promotional materials ng Seduction, huh! Ihiwalay ang Richard-Sarah at gawan naman ng Richard-Solenn sa mga promo materials.

Ang luma na kasi ng isyu sa billing ngayon, huh!

Klownz 11 years na

Eleventh year ngayong buwang ito ng Klownz Comedy Bar kaya naman isang all-star cast ang handog ng management sa kanilang customers sa January 29. Siyempre pa, pangungunahan ni Allan K ang anniversary presentation ng comedy bar na laging sinusugod ng publiko.

Inaasahan din ang pagdating ng prime artists na atraksyon tuwina sa Klowz gaya nina Jose, Wally, Gladys Guevarra, K Brosas, John Lapus at iba pa. Para sa detalye ng Klownz 11th year, tumawag o mag-text kay Paul Quilantang sa 0915-53-53-625 or 0906-389-19-88.

vuukle comment

ALLAN K

GLADYS GUEVARRA

JOHN LAPUS

K BROSAS

KAYA

KLOWNZ

KLOWNZ COMEDY BAR

PAUL QUILANTANG

SARAH

SOLENN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with