^

Pang Movies

Gov. Vi wala nang urungan sa indie, wala ring kalaban sa pagka-gobernador

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ngayong patapos na ang 38th Metro Manila Film Festival, na hanggang sa Tuesday, January 8 na lamang, ang naghahanda naman ay ang mga producers na napili na ang kanilang entry sa Cinemalaya International Film Festival na mapapanood simula sa July, 2013. Got news na tuloy na tuloy na si Batangas Governor Vilma Santos sa shooting niya ng indie film niyang Extra for Quantum Films at ididirek ni Jeffrey Jeturian. Gagampanan ni Gov. Vi ang role ng head ng mga extra noon at ngayon. Sinisiguro ni Gov. Vi na matatapos niya ang shooting bago ang campaign period sa March. Kandidato siya muli, for the third time, as Governor ng Batangas na sabi, wala siyang kalaban sa eleksiyon.

Marian pinagkaguluhan ang pagiging masama

Kagulo sa twitter last Tuesday evening ang mga taga­subaybay ng Temptation of Wife dahil nagsimula nang mag-training si Marian Rivera sa bago niyang character, mula sa inaapi at matiising si Angeline to Chantal Gonzales. Excited na ang mga fans na malaman kung gaano katapang si Chantal at kung paano babaguhin ni Madame Yolanda ang looks niya. Eagerly awaiting din sila kung totoong magpapaputol ng hair si Marian tulad nang sabi niya. Kaya mamayang gabi, simula na nang pagbabago sa character ni Ange­line at bukas, ang pagpapakilala ni Madame Yolanda kay Chantal Gonzales. 

Seduction pinaghalong Scorpio Nights at Unfaithful Wife

Postponed muna ang press conference bukas, January 4, until next week ng epic telenovela ng GMA 7, ang Indio ni Sen. Bong Revilla. Mukhang may inihahanda silang sorpresa bago ang pilot telecast nito sa Monday, January 14.

Kaya walang problema ang mga Kapuso stars na sina Richard Gutierrez, Solenn Heussaff, at Sarah Labhati na magkakaroon ng press conference bukas, Jan­uary 4, ng Seduction ng Regal Entertainment Inc. 

Napapanood na ang uncut trailer ng movie na dinirek ni Peque Gallaga na sabi’y may shade ng Scorpio Nights at Unfaithful Wife na sexy at nagpaka-daring ang tatlong bida. Sa January 30 na ang pasabog na ito ng Regal.

Kaabang-abang…

Kaabang-abang na rin ang pagtatapos ng morning drama series ng GMA Films for TV na Cielo de Angelina nina Bea Binene at Jake Vargas, at 11:00 am sa GMA7. Maraming sasaguting tanong ang story. Sino talaga ang anak na iniwanan sa ampunan ni Jessa Zaragoza, si Gerald Madrid ba ang ama nito? Mababawi ba ni Roxanne Barcelo ang anak niya sa ama nitong si Biboy Ramirez at maging sila pa rin ni Victor Basa?

 

vuukle comment

BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS

BEA BINENE

BIBOY RAMIREZ

BONG REVILLA

CHANTAL GONZALES

CINEMALAYA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

MADAME YOLANDA

SCORPIO NIGHTS

UNFAITHFUL WIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with