^

Pang Movies

Juday hindi nakatulong sa Agimat at Si Enteng?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Aaminin namin, gulat na gulat kami nang ma­kita namin ang gross reports ng Metro Manila Film Festival hanggang noong December 31 ng nakaraang taon. Sinasabing kumita ng 167 milyong piso ang pelikulang Sisterakas, para matawag iyong run away top grosser ng festival. Sumunod ang pelikulang One More Try na kumita ng 91 milyong piso, at ang nakagugulat pangatlo lamang ang pelikulang Agimat, Enteng Kabisote, at Ako na kumita lamang ng 79 milyon.

Kung iisipin, malaki rin naman iyong 79 milyon, at masasabing mala­king hit din naman ang pelikula nina Vic at Bong, pero talagang matinding upset at hindi inaasahan ng mga tao sa industriya na ang pelikula niya ay magiging number 3 lamang sa festival. Ito ang kauna-unahang pagkakataong nangyari iyan. Sa loob ng mahabang panahon na, laging si Vic Sotto ang top grosser sa festival.

Nagsawa na nga ba ang tao sa cha­racter ni Enteng Kabisote? At may mas masakit pa ngang biro, mabigat talaga raw bang dalhin sa pelikula si Judy Ann Santos, kaya nang makasama siya nina Bong at Vic ay hindi naging top grosser? Huwag naman sanang ganyan.

Pero hindi natin maiiwasang pag-isipan, ano nga kaya ang mali? Ano nga kaya ang kulang at parang biglang tumagilid si Vic Sotto? Hindi kaya mali rin ang kanyang promo?

Palagay namin, ano man ang tunay na dahilan at natalo ngayon ang pelikula nina Bong at Vic bilang top grosser ay kailangan nilang pag-isipan nang husto pagkatapos ng festival. Kailangan na bang pagpahingahin sandali sina Agimat at Enteng Kabisote? Lalo na si Enteng. Dati naman kahit na anong character ang gawin niya ay kinakagat pa rin ng publiko.

Sharon kailangang mag-isip-isip ngayong 2013

Ang isa pang sinasabi nilang mukhang nagkamali ng diskarte sa kanyang career noong 2012 ay ang megastar na si Sharon Cuneta. Wala rin naman kasing magandang project para sa kanya noon ang ABS-CBN. Hindi rin naman maganda ang feedback sa kanyang weekly talk show. Noon duma­ting ang isang very tempting offer ng TV5, na nag-aalok sa kanya ng malaking talent fee na ina­amin naman ng ABS-CBN na hindi nila kayang tapatan. Pina­ngakuan din si Sharon ng isang daily talk show at isang weekly specials. Bukod doon, binibigyan siya ng pagkakataon na magiging isa siya sa mga producers ng kanyang show.

Napakaganda nga ng offer na iyan at napakahirap tanggihan.

Pero dahil sa problema nga ng network, lalo na iyong problema nila sa signal ng istasyon, at hindi naging maganda ang resulta. At ngayon nga sinasabing maging ang popularidad ng megastar ay naapektuhan. Kailangang pag-aralan din ni Sharon ngayon kung ano ang susunod niyang dapat gawin.

NAGSISISIHAN!

Nagsisimula na ring magreklamo ang isang male star tungkol sa kanyang manager. Lumipat kasi siya ng manager matapos siyang pangakuan ng manager niya ngayon ng trabaho. Pero wala naman palang maibibigay na trabaho ang bagong manager. Nagsisimula na silang magsisihan ngayon.

 

vuukle comment

AGIMAT

ENTENG KABISOTE

JUDY ANN SANTOS

METRO MANILA FILM FESTIVAL

NAGSISIMULA

NAMAN

ONE MORE TRY

PERO

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with