^

Pang Movies

Toda Max babalikan ang mga pinakakuwelang eksena

Pang-masa

MANILA, Philippines - Dininig ng Toda Max ang hiling ng mga manonood na ibalik ang pinaka­kuwela at nakakaaliw na episodes ng sitcom sa taong 2012 kaya naman ngayong huling Sabado ng taon (December 29), magtitipun-tipon ang buong cast para magbalik-tanaw.

“Sobrang dami pong nangyari sa unang taon ng Toda Max na talagang nagpaligaya sa amin. Unang-una po ‘yung magandang pagtanggap ng mga manonood sa pagbabalik ng sitcom sa ABS-CBN, pangalawa ‘yung pagkapanalo ng show ng dalawang Best Comedy awards at pangatlo, ang pagse-celebrate namin ng first anniversary,” masayang ibinahagi ni Vhong Navarro, isa sa lead cast ng sitcom.

Kaya bilang year-ender special nila, babalikan ang mga ‘di malilimutang eksena na nagpatawa sa libu-libong sumusuporta sa kanila, ani Angel Locsin. “Ito pong pagbabalik-tanaw ay para po sa mga masusugid na sumusuporta sa Toda Max. Maraming salamat po sa inyo at maligayang bagong taon!”

Hindi pa man umaabot ng isang taon matapos i-launch ang Toda Max ay nanalo na ito ng dalawang Best Comedy Show awards mula sa Catholic Mass Media  Awards at PMPC Star Awards for TV habang ang mga aktor nito na sina Robin Padilla at Pokwang ay nag-uwi ng Best Comedy Actor at Best Comedy Actress awards mula sa PMPC.

Abangan ang Toda Max sa ABS-CBN pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado (December 29) kung saan magtitipon-tipon sina Lady G (Pokwang), Tol (Robin), Isabel (Angel), Justin (Vhong) at buong taga-Beverly Gil’s St upang balikan ang magagandang pangyayari sa kanilang buhay.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BEST COMEDY

BEST COMEDY ACTOR

BEST COMEDY ACTRESS

BEST COMEDY SHOW

BEVERLY GIL

CATHOLIC MASS MEDIA

LADY G

TODA MAX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with