^

Pang Movies

Female celebrity nalulungkot tuwing Pasko dahil sa lumayas na BF na muntik nang makatuluyan

SO....CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ilang Pasko na ang lumipas noong makipaghiwalay sa female celebrity sa kanyang nonshowbiz boyfriend. Childhood sweethearts sila at nagkaroon ng pangako sa isa’t isa na sila ang magkakatuluyan balang araw.

Pero hindi natupad ang pangakong iyon nang biglang sumuko na si nonshowbiz BF kay female celeb. Hindi na niya kinaya ang mundo ng girlfriend. Noong una ay tanggap niya na nawawalan ng oras ito sa kanya at okay lang na hindi siya mabanggit bilang lover.

Pero hindi nagtagal at nakaramdam na ng selos si nonshowbiz boyfriend at gusto niyang namili na si female celeb kung siya o ang career nito.

Oo at inalok na ng kasal si female celebrity. Pero sa kasamaang palad ay hindi niya ito tinanggap. Masyado na raw maraming nai-invest si female celeb sa kanyang career at hindi niya ito basta lang puwedeng iwan.

Kaya dahilan na iyon na iwan na ni nonshowbiz BF si GF isang linggo bago sumapit ang Pasko. Kung hindi raw kayang isakripisyo ni female celebrity ang career nito over sa pagsasama nila bilang mag-asawa, wala na rin siyang dahilan para magsakrispisyo pa sa paghihintay.

Kaya tuwing sasapit ang Pasko, hindi mapigilan ni female celeb na maiyak dahil hanggang ngayon ay ramdam pa niya ang biglang pag-iwan sa kanya ng kanyang minamahal.

Itinago pa nga ni female celebrity ang tickets nila dahil may plano silang mag-cruise pagkatapos ng Christmas. Pero naghiwalay na nga sila.

Huling balita ni female celebrity ay may sarili nang pamilya ang dati niyang boyfriend. Meron na nga rin silang anak kaya labis na nadagdagan ang lungkot niya dahil kung pumayag siya sa gusto ng kanyang boyfriend, malamang ay ganun na rin ang edad ng magiging anak nila.

Solenn mas gusto nang pinagtatawanan

Blessed na blessed ang career ni Solenn Heussaff sa taong ito. Pagkatapos ngang makilala siya bilang isang castaway sa Survivor Philippines: Celebrity Showdown ay nagtuluy-tuloy na ang career ng French-Pinay.

Nakasama si Solenn sa dalawang surprise box-office hits ng taon na Boy Pick-Up: The Movie na bida si Ogie Alcasid at D’Kilabot Brothers na bida sina Jose Manalo at Wally Bayola.

Sa parehong pelikula ay nagpakaluka-luka si Solenn at game na game na maging katawa-tawa sa mga eksena niya.

“Akala kasi nila maarte ako but really, hindi. I love making fun of myself. Kaya when they asked me to do those two movies, I said yes right away.

“Feeling ko kasi I am more of a comedienne than a dramatic actress. Mas gusto kong pagtawanan ako kesa sa mag-drama ako.

“Plus I enjoyed playing leading lady to the country’s funny men na sina Ogie at sila Jose and Wally. Naging close na ako sa kanila, especially sina Jose and Wally who I get to work with sa Eat Bulaga,” ngiti ni Solenn.

Pero open pa rin naman si Solenn sa paggawa ng drama movie. Nagkaroon pa nga siya ng acting nomination para sa drama film na Yesterday, Today, Tomorrow na isa sa entry ng Metro Manila Film Festival noong 2011.

“Okay lang for me to do drama movies. Iba naman kasi iyon. I get to learn a lot from doing it. But I can express myself more sa comedy. Sabi nga nila, luka-luka ako. Which is true. I can get crazy when I feel like it,” sabi ng model-actress.

     Sunud-sunod ang naging TV shows ni Solenn tulad ng Eat Bulaga, Legacy, Bubble Gang, Fashbook, at Taste Buddies. Ngayon ay kasama siya sa Metro Manila Film Festival entry ng GMA Films na Sosy Problems.

Sa naturang pelikula ay gaganap siyang anak ng isang former beauty queen at isang French ambassador. Magiging karibal niya kay Aljur Abrenica si Heart Evangelista.

“ Magkaaway kami ni Heart sa movie. We like one man and that is Aljur. But in real life, good friends kami ni Heart. We went to the same school noong high school. And we’ve been friends ever since. Pareho naming hindi inakala that we would both be in showbiz.

“Heart has been very supportive sa akin and I return the favor. We’ve worked na together before in Legacy and Temptation Island,”sabi ni Solenn.

Ginagawa ni Solenn ngayon ang epic-serye na Indio for GMA 7 at ang pelikulang The Seduction with Richard Gutierrez and Sarah Lahbati under the direction of Peque Gallaga. Parehong sa January  ipalalabas ang mga ’yan kaya maganda ang pasok ng bagong taon for Solenn.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

EAT BULAGA

FEMALE

JOSE AND WALLY

KAYA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

NIYA

PERO

SOLENN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with