^

Pang Movies

At may blessing ang kanilang mga pamilya Cristine umamin, nagsama nga sila ni Derek sa Batangas!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Recently ay nakitang magkasama sina Cristine Reyes at Derek Ramsay sa isang beach resort sa Batangas kaya lalong tumibay ang speculations na wala na talaga ang una at si Rayver Cruz at dahil daw ito sa huli.

Pero nilinaw ni Cristine nang makatsikahan namin siya sa Calayan Christmas Party na wala raw itong katotohanan although inamin naman niyang nagkita nga sila ni Derek sa Pico de Loro sa Na­sugbu, Batangas.

“Kasi that time, andun ako with my sister and friends, tapos si Derek, nandun din with his family. So, nakita kami du’n, so, sa ‘min naman, okay lang na makita kami together kasi wala namang something, eh. And we still go out with friends naman,” paglilinaw ni Cristine.

Hindi nagseselos si Rayver?

“Hindi, kasi minsan, kasama rin namin si Rayver. Minsan, pupunta kami sa bahay ni Derek,” she said.

Naging close raw sila ng aktor simula nang gawin nila ang No Other Woman last year.

 “Minsan, nagha-hang-out na kami nun, kahit noong sila pa ni Angel (Angelica Panganiban). Nagpupunta kami sa bahay nila.”

Pero close rin ba siya kay Angel?

“Oo, pero parang mas naging close na ako kay Derek kasi luko-luko ‘yun, eh. Si Angelica naman, pag nagkikita kami, tsikahan din kami.”

Hindi naman daw naapektuhan ang friendship niya with Angelica kahit split na ito kay Derek.

Samantala, very thankful naman si Cristine sa taong 2012 dahil sa mga blessings na dumating sa kanya.

“Para sa akin, 2011, 2012, eto ‘yung pinakamasaya kong year kasi ang dami kong naa-achieve. Box Office Queen na hindi ko naman ine-expect. As in sa lifetime ko, sa career ko, parang pine-pray ko, Best Actress tapos ang ibinigay sa akin, Box Office Queen so parang wow, thank you Lord. Blessing siya.

“And ‘yung mga endorsements tuluy-tuloy hanggang next year meron na. Tapos ngayon, Calayan, may pahabol pa sa Christmas so, I’m very happy,” say ng young actress.

Akusasyon ni Divine idinenay ni Baron!

Hindi ikinatuwa ni Divine Lee ang pagde-deny ni Baron Geisler tungkol sa insidenteng nangyari sa MVP Ball last Dec. 17 kung saan ay may ginawa na naman daw ang aktor na hindi maganda sa mga kapwa artista kabilang na nga dito ang female TV host.

Ayon kay Divine, naintindihan na nga raw niya na may sakit si Baron at kailangang intindihin pero ang palabasin pa silang sinungaling ay lalong hindi naman daw tama.

Kinumpirma ni Divine na binastos siya ni Baron nang mag-attempt ito na halikan siya sa lips na nakabuka ang labi. Mabuti na lang nga raw at nakaiwas siya.

Ang nasabi na lang daw niya kay Baron that time ay “bastos ka!” dahil ayaw na raw niyang mag-eskandalo pa sa party lalo pa nga’t naroroon ang mga bigwigs ng TV5.

Mabuti na nga lang din at wala ang boyfriend niyang si Victor Basa nang gabing iyon dahil may taping ito. Kinabukasan na raw niya ikinuwento sa aktor ang nangyari.

Natahimik daw si Victor pagkatapos niyang magkuwento at kumunot na ang noo kaya naman inilayo na raw niya ang cell phone at baka tawagan pa raw si Baron. Kinausap din niya ang handler na ikalma dahil baka nga sugurin ang aktor.

“So, nakalma naman namin. And after a while, naupuan na rin namin at napag-usapan. Nag-agree kami na hayaan na lang kasi nga may sakit siya. Sabi ko, huwag na niyang patulan kasi nga he’s not in his proper state of mind. Nung una, sabi niya, hindi raw dapat ‘yun, pero after a while, napaano naman namin siya na huwag na mag-react.”

Ayon kay Divine, sorry lang daw ay ayos na sa kanya, ang kaso nga, ni hindi na raw nag-sorry, itinanggi pa ang nangyari.

“Pagaling na lang siya,” sambit na lang ni Divine.

vuukle comment

BOX OFFICE QUEEN

CRISTINE

DEREK

KAMI

NAMAN

RAW

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with