^

Pang Movies

Pero binibidang marami siyang malalaking projects: Sikat na aktres panay ang litanya ’pag sinisingil ng P50k

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Very sad daw ’yung isang businesswoman na hindi nakasingil sa isang sikat na movie star na ang laki ng utang. Kapag sinisingil, puro OPM (oh promise me) lang pero buhay milyonarya naman siya.

Ang daming palusot at kung anu-anong litanya ang binabanggit kesyo maliit lang ang P50,000 kung ikukumpara sa malalaking project na ginagawa.

Dapat nga siyang magbayad, marami naman palang big projects ang gagawin ng sikat na star sa 2013.

PMPC pinaupo sa Session Hall ng Senado!

First time ng PMPC (Philippine Movie Press Club) na umupo noong Lunes sa gallery ng Session Hall ng Senado. Nag-caroling ang singing group sa ilang actor-politician friends, kina Sen. Bong Revilla, Jr. (Si Agimat), Sen. Lito Lapid (The Little Champ ng ABS-CBN), Sen. Tito Sotto (Eat Bulaga), Sen. Loren Legarda (forever friend), Sen. Koko Pimentel (new friend ng movie press), Sen. Jinggoy Estrada (Darling of the Press), at Sen. Juan Ponce Enrile (our beloved Manong).

Tuwing Kapaskuhan ay suki na namin sila, especially sina Senators Bong, Jinggoy, at Lito pero first time na pinaupo kami na kasama ng maraming tao sa gallery at ipinakilala ni Manong Enrile, ang punong lider ng Senate. Wow, tayuan ang movie press habang pinapalakpakan! Salamat po!

Mayor Herbert masaya sa Shake…

Masaya si Mayor Herbert Bautista dahil at least daw ay natapos na ang post-production ng Shake, Rattle & Roll XIV: The Invasion na walang nasayang na oras at heto ngayon kahit sa mga promosyon ay ang mga co-star ng actor-politician ang gumagawa.

Gat Andres mas nakilala ng mga estudyante

Puring-puri ang pelikulang Supremo ng mga nakapanood mula sa students ng Rex Dei Academy na sina Jenjen at Bianca at ng St. Peter and Paul Academy na sina Jelo, Jepoy, at Joshua, pati na ang kanilang teachers. Marami pala raw silang hindi alam kay Gat Andres Bonifacio, ang Ama ng Unang Sigaw ng Balintawak, na nalaman lang sa pelikula ni Alfred Vargas.

 

vuukle comment

ALFRED VARGAS

BONG REVILLA

DARLING OF THE PRESS

EAT BULAGA

GAT ANDRES

GAT ANDRES BONIFACIO

JINGGOY ESTRADA

JUAN PONCE ENRILE

KOKO PIMENTEL

SESSION HALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with