^

Pang Movies

Kapalit ni Heart: Daniel game kay Melai!

SO CHISMIS ITOH - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kitang-kita ang maaliwalas na mukha ni Daniel Matsunaga ngayon at bumalik na nga ang dating masayang disposition niya. Malayo na sa dating malungkot na Daniel noong ma-heartbroken siya sa nasirang relasyon kay Heart Evangelista.

Ang gusto niyang pag-usapan ngayon ay ang mga project niya for 2013.

 “I want to stay positive and happy for the New Year. This year was so distressing for me and I am happy that I was able to get back to work. Ngayon masaya na ako and I want to stay this way for a long time,” sabi ni Daniel.

Nag-celebrate ng kanyang ika-24th birthday si Daniel last Nov. 28.

 “TV5 gave me a special surprise on my birthday. It happened in Game ‘N Go. I was so touched by what they did.

 “Then simple celebration lang. My family kasi is in Brazil, so we just had a video chat. But I was with my close friends. Basta masaya ako nung birthday ko,” sabi pa ng Brapanese model-actor.

Naging busy ang 2012 para kay Daniel dahil sa pagpasok niya sa TV5. Aside from Game ‘N Go, ginawa rin niya ang weekly series na Third Eye at ang daily series na Enchanted Garden.

Extended ang Enchanted Garden hanggang January at magkakaroon na rin ng second season ang Third Eye next year kaya tuluy-tuloy pa rin si Daniel sa Kapatid Network.

Ngayon ay guest co-host siya ni Kris Aquino sa morning talk show nito na Kris TV sa ABS-CBN.

Sabi naman ni Daniel ay nonexclusive naman ang kontrata niya sa TV5 kaya puwede siyang mag-guest sa anumang shows ng iba’t ibang TV networks.

Inamin ni Daniel na enjoy siya sa guest hosting niya with Kris TV.

 “I like what I am doing there. Masaya ‘yung show. I get to do another thing that I always wanted which is hosting. I hope to get better as I go along with the show,” saad niya.

Kinaaaliwan din niya ang kasama nila sa show na si Melai Cantiveros. Inamin kasi ni Melai na matagal na niyang crush ang Brazilian-Japanese hunk.

 “Nakakatawa si Melai. She makes me laugh. Sabi kasi ni Kris, we make a good pair. Okay lang because we will be making a lot of people happy naman,” say ni Daniel.

Bukod sa Kris TV ay kasama rin pala si Daniel sa Metro Manila Film Festival official entry na Sisterakas nina Kris, Vice Ganda, at AiAi delas Alas.

Meg Imperial susunod na kay Yam Concepcionsa hubaran

Si Meg Imperial ang next na ilo-launch ng Viva Films bilang isang sexy star pagkatapos ng newcomer na si Yam Concepcion.

Naging matagumpay nga sa takilya ang pagbabalik ng sexy movies ng Viva via Rigodon kaya tamang-tama lang na binigyan nila ng project si Meg sa Menor de Edad na mula naman sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Tapos nang i-shoot ni Meg ang naturang pelikula at opening salvo nga ito ng Viva Films sa January. Say nga ni Meg na excited siya pero kinakabahan din siya dahil ang malaki ang expectation sa kanya ng maraming tao.

“Sobra po ang pressure sa akin ngayon kasi nga po, maganda ang naging resulta ng Rigodon pagkatapos ako na. So parang nakakakaba talaga. Pero dasal ko na maging okay naman ang mangyari sa movie namin,” diin pa ni Meg.

Si Wendell Ramos nga ang leading man ni Meg sa Menor de Edad. Marami nga raw silang mga sexy na eksena pero naging gentleman ito sa kanya.

Matapos masira ang boses Julie Andrews tututok na lang sa theater at pagsusulat ng libro

Marami nga ang nalungkot nang sabihin noon ni Julie Andrews na hindi na maibabalik pa ang kanyang magandang singing voice pagkatapos siyang maoperahan noong 1997 para tanggalin ang noncancerous throat nodules.

Nakilala nga si Julie Andrews dahil sa kanyang four-octave voice na hinangaan sa buong mundo nang magbida siya sa stage musical na My Fair Lady at sa mga Hollywood musical film classics na Mary Poppins at The Sound of Music.

Tanggap na nga ng Tony and Oscar-winning actress ang kanyang situwasyon.

Sinubukan na ni Julie na umawit sa pelikulang The Princess Diaries 2 noong 2004 at sa isang London, England concert noong 2010. Pero ayon sa 77-year-old actress, “speak-singing” ang kanyang ginawa para maitawid niya ang kanyang mga inawit.

Pero ngayon ay nahanap na ulit ni Julie ang kanyang bagong boses at ito ay sa pamamagitan ng kanyang mga libro at pagdirek sa theatre.

Naglabas nga si Julie ng bagong children’s book title Little Bo in London: The Ultimate Adventure of Bonnie Boadicea. Ito ang kanyang 27th book na kasama niya ang kanyang anak na si Emma Walton Hamilton bilang co-writer.

vuukle comment

DANIEL

ENCHANTED GARDEN

JULIE

JULIE ANDREWS

KANYANG

N GO

NIYA

PERO

THIRD EYE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with