^

Pang Movies

Hanggang telepono na lang Marian hindi na halos nakakausap si Dingdong!

Jun Nardo - Pang-masa

 

MANILA, Philippines -  Naikuwento sa amin ni Marian Rivera na sa eroplano na lang sila mag-uusap ni Dingdong Dantes sa biyahe nila papuntang Las Vegas, Nevada sa Dec. 6 upang manood ng laban ni Rep. Manny Pacquiao kay Juan Marquez. Tanging tawag na lang sa telepono ang ganap sa kanila ng dyowa dahil nga sagaran din ang taping nila sa kani-kanilang series sa GMA 7.

“Eh pag-alis ko nga ng December 6, may taping pa ako sa umaga at pagbalik ko nang madaling araw sa December 12, may taping agad ako ng Temptation of Wife, after lunch,” balita ni Yan-Yan sa press na kumausap sa kanya after ng party kung saan two hundred thousand pesos ang share ni Marian sa Christmas party sa press ng Luminary Management kung saan isa siya sa mga artist na mina-manage ng super bait at concerned na manager pagda­ting sa press at TV crew.

Nagbahagi rin ang iba pa niyang co-talents sa stable ni Popoy Caritativo na sina Janice de Belen, Dennis Trillo, Jestoni Alarcon, Martin Escudero, EJ Dee, at Rafael Rosell. (Sa totoo lang, umabot daw sa almost P1M ang halaga ng blessings ng ipinamahagi ng press, huh!

Wala kasing nganga pagdating sa trabaho this year ang mga artist ni Popoy. Kaya naman ayaw nilang maging maramot sa press na itinuturing niyang malaking bahagi sa tagumpay ng kanyang mga alaga!)

Feeling nga niya, ngayong taon talaga sila kapwa busy ni Dong although pagdating ng Christmas at New Year, ito ang okasyong inilalaan nila sa sarili at pamilya nila.

Mabuti na lang at nakabili na siya ng early Christmas gift kay Dong. Simpleng figurine ito na heart shape na nakita niya sa Rustan’s. May lalaking buhat-buhat ang babae at kanyang sinamahan ng dedication sa card. Although nakornihan siya sa ginawa, touched at fully appreciated naman ni Dong ang regalo niya.

Eh, ano naman ang regalo sa kanya ni Dong?

“Alam mo si Dong, kahit hindi Christmas, laging may gift ’yan eh. So parang kami…hindi porke’t Christmas, kailangang may gift. Minsan, ako, mapadaan lang ako kung saang something, bili ako.

“Example, alam kong pagod siya sa set, niluto ko siya ng banana bread. Parang, ‘O, for you!’ Parang gift na rin ’yon,” katuwiran ng aktres.

Eh ’yung pag-alis ba nila, selebrasyon na rin ng kanilang fifth anniversary?

 “Fifth year? Ang layo mo naman. Ang tagal naman nun. Hindi pa gano’n? Fifth ka diyan! Ang layo. Hindi fifth! Hindi fifth!” diin ng aktres.

Ayaw sabihin ni Marian kung ilang taon na ang relasyon nila ni Dong. “Mukha lang matagal pero hindi,” diin niya.

Wala pa silang relasyon ni Dong nung gawin nila ang Marimar. Sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang nagsimula ang pagiging lovers nila.

Pagdating sa projects niya next year, bukod sa dalawang malalaking movies, papasukin na rin niya ang pagiging producer dahil na rin sa pagkumbinsi ni Dingdong na subukan niya ang film production na sinimulan ng aktor sa Tiktik: The Aswang Chronicles.

 

vuukle comment

AKING TADYANG

ASWANG CHRONICLES

DENNIS TRILLO

DINGDONG DANTES

DONG

JESTONI ALARCON

JUAN MARQUEZ

LAS VEGAS

LUMINARY MANAGEMENT

NILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with