^

Pang Movies

Female personality nabaliw sa inimbitang nagdala ng anak!

Jun Nardo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Naloka ang kilalang female personality nang magpaimbita siya ng press at bloggers para sa isang showbiz event kasi naman nagsama ng mga anak ang isang blogger at ginawang picnic ang okasyon!

Eh malikot pa ang isa sa mga bata kaya pinasabihan siya sa waiter na huwag galaw nang galaw ng mga gamit ng personalidad.

Wala namang kaso ang presence ng mga tinatawag na blogger sa showbiz event. Pero ’yung dalhin mo pati members ng pamilya mo nang hindi pinapagpaalam sa in charge, hindi naman makatuwiran ’yon, huh!

Pagkatapos may isa pang taong dumating na walang pakialam na nag-gatecrash dahil nalaman niyang may sikat na personalidad doon.

Mabuti na lang hindi nagbabasa ng blog si Manay Lolit Solis kaya hindi siya apektado sa presence nila sa mga okasyon.

Tim Yap ibinuking ang mga totoong ugali nina Heart, Bianca, Solenn, at Rhian

Iba-iba ang deskripsiyon ni Tim Yap sa beauty ng female leads ng Sossy Problems na sina Heart Evangelista, Bianca King, Solenn Heussaff, at Rhian Ramos.

“Solenn is sultry, ethereal. Bianca is vulnerable. Heart is delicate, and Rhian is just super beautiful,” pahayag ni Tim nang aming makausap sa shooting.

Sa apat, si Solenn ang pinakamatagal na niyang kaibigan na nagsimula nang wala pa ito sa showbiz. Kanya namang nakatrabaho si Rhian sa ilang projects. Kilala na niya noon pa mang stylist pa lang si Bianca bago pa siya naging artista at nasa university habang si Heart naman ay kilala na niya noon Star Magic talent pa siya ng Dos.

Kung may problema silang apat at sabay-sabay silang tatawag, sino sa kanila ang uunahin niyang bigyan ng advice?

“Schedule muna sila ng appointment! Hahaha! Hindi, hindi. Alam mo ako, anytime. Para akong 7-11. Bukas ako twenty four hours for my friends. Anytime I will always pick up my phone. I’m always available for my friends. I would never close my doors,” katuwiran ng host-businessman-editor.

Kung merong problema kay Solenn, ang sasabihin niya ay…?

“Ang problema kay Solenn, she doesn’t make anything a problem. Parang at the time I saw her stressed in particular situation, she just let it go past her. Makes it a non-issue.

 “Si Rhian naman, ang problema sa kanya…O ang mga ibang tao ang gustong gumawa ng problema sa kanya, but on her own, I think she operates out of utmost purity and even if may stress sa buhay niya, she…tao lang, tao lang siya, but she chooses to have the best case scenario and always, always decides to move on with life!

“Si Heart? Si Heart is very sensitive and you know, ano siya eh… ang feelings niya, nandiyan kaagad. Pero ang maganda sa kanya, she will always choose to be in love than not to be.

 “Bianca is very decisive and I like it that when life presents her multiple choices, she chooses agad-agad,” pahayag ni Tim.

 

 

vuukle comment

ANYTIME I

BIANCA

BIANCA KING

HEART EVANGELISTA

MANAY LOLIT SOLIS

RHIAN

SI HEART

SOLENN

TIM YAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with