^

Pang Movies

Young actress pakalat-kalat ang panty

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Sobrang spoiled ng young actress na ito sa kanyang mommy. Hindi naturuan ng tamang pagpapalaki lalo na pagdating sa kalinisan.

Nagrereklamo kasi ang kasambahay nito dahil kung saan-saang parte ng bahay hinuhubad at ikinakalat ang panty. Isa-isa itong pinupulot ng kasambahay. Burara, ’di ba?

Naku! ’Pag umalis ang kasambahay ng young actress ay malamang na ikalat ang pinaggagagawa ng amo niya.

MEL gustong makita ang personality sa show

Malapit sa aming puso si Mel Tiangco dahil siya ang napili naming awardee ng Soroptimist International (Dasma-Salcedo) para sa kategoryang Women Helping Women dahil sa pusong mapagkawanggawa at sa kanyang Kapuso Foundation.

Maraming natutuwa dahil magbabalik-ere na ang Magpakailanman at consistent top rater ito noon. Isa kami sa maraming nalungkot nang mawala ito sa ere.

Sa pagbabalik nito sa telebisyon may mga kondis­yones ang broadcaster.

‘‘I want to see changes. Gusto ko nang pagbabago — new elements, more in-depth investigation at dramatization batay sa real-life stories na ihahatid na bawat episode. I want to see me more — my persona in the show. I am Mel Tiangco, a news personality, public servant. All those things should be incorporated in the show,” diin ni Mel.

Ayon kay Redgie Magno, walang ibang tao ang puwedeng mag-host ng programa kundi si Mel lang.

‘‘She is already identified with the show and it reflects her true persona,’’ say ng GMA 7 executive.

Mapapanood ang Magpakailanman tuwing Sabado simula Nov. 17 at 8:30 p.m.

DAYBREAK MAY BAGONG TIMESLOT

Ang Solar News Channel ay isang news at public affairs channel na maghahatid ng mga bago o up to date news, day in and day out. Ang Solar Daybreak ang flagship show ng Solar TV tuwing 7 a.m., Lunes hanggang Biyernes, na nakatutok sa maiinit na balita tampok si Jun Magsaysay.

Nagsimula kahapon, Nov. 12, ang Solar Daybreak.

vuukle comment

ANG SOLAR DAYBREAK

ANG SOLAR NEWS CHANNEL

ISA

JUN MAGSAYSAY

KAPUSO FOUNDATION

MAGPAKAILANMAN

MEL TIANGCO

REDGIE MAGNO

SOLAR DAYBREAK

SOROPTIMIST INTERNATIONAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with