^

Pang Movies

Maricel nagsalita na sa ginawa sa mga katulong!

CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Inamin ni Diamond Star Maricel Soriano na dumaan siya sa ilang stages ng depression kaya siya nagpasyang magpahinga muna sa showbiz. Time out nga kung tawagin ni Marya ang kanyang pagpapahinga dahil masyado siyang naguluhan at napagod sa mga sunud-sunod na mga pangyayari sa buhay niya.

Nagsimula raw ang lahat noong sumakabilang-buhay ang kanyang inang si Linda Soriano noong 2009. Halos nawalan daw ng gana ang aktres na magtrabaho dahil nawala nga ang pinakamamahal niyang ina na sumuporta sa kanya noong bata pa lang siya sa showbiz.

Sumunod ay ang pagkakaroon niya ng broken heart.

Hindi naman nilinaw ni Marya kung sino ang naging sanhi ng nakuha niyang lamat sa kanyang puso. Nakadagdag daw iyon sa kanyang pagiging malungkot at pagkawalang gana na magtrabaho.

Kasama rin sa pagiging depressed ni Marya ay ang ma-involve siya sa isang kaso na may kinalaman ang kanyang mga kasambahay. ’Yun daw ang naging matinding issue sa kanya kaya nagtago muna siya hanggang hindi naaayos ang lahat.

Ngayon ay tapos na ang mga bagyo sa kanyang buhay at handa na siyang magtrabaho ulit. May bago na siyang management company (Viva Artist Agency) at kakapirma lang niya ulit ng kontrata sa ABS-CBN para sa isang bagong drama series.

Marami ang naka-miss kay Marya kaya hudyat ng kanyang pagbabalik ang kanyang one-on-one interview with Korina Sanchez sa programang Rated K ngayong Linggo.

Baron kapipirma lang sa TV5

Inaresto ang award-winning actor na si Baron Geisler last Nov. 9 sa East Fairview, Quezon City. Ang dahilan ay ang pananakit nito sa may-ari ng tindahan.

Ayon sa police report, lasing daw si Baron nang pumasok siya sa tindahan nang nagngangalang Raymond dela Rosa sa Marlboro St. sa East Fairview. Malapit lang kasi ang apartment ni Baron sa naturang tindahan.

     Kumuha ng mga tinapay si Baron sa tindahan pero tinapon lang daw nito ang mga tinapay sa sahig. Nang sitahin ang aktor ng may-ari ng tindahan, kumuha si Baron ng silya at hinampas sa pader sabay suntok sa may-ari ng tindahan.

Para nga raw eksena sa pelikula ang nasaksihan ng mga anak ni Dela Rosa at tumawag sila agad ng pulis. Sinampahan nila si Baron ng physical injury at child abuse dahil na-trauma ang mga menor de edad na mga anak ni Dela Rosa sa kanyang ginawa. Pero binawi rin nang nagsampa ng kaso.

Inakala na ng marami na maayos na ang kalagayan ni Baron pagkatapos nitong mag-undergo ng rehabilitation ng ilang buwan dahil sa kanyang pagiging alcoholic. Pero tila bumalik na naman ang kanyang problema.

Kakapirma nga lang ni Baron ng kontrata sa TV5 at kasama siya sa action-fantasy series na Kidlat na si Derek Ramsay ang bida.

Meron ding pelikulang natapos si Baron para sa Metro Manila Film Festival 2012 na El Presidente.

Halle Berry natalo sa custody case sa anak na gustong itira na sa Paris kasama ang bagong BF

Malungkot ang Oscar winner na si Halle Berry dahil natalo siya sa kanyang custody case for her four-year-old daughter na si Nahla.

Nag-file ng custody case si Halle para madala niya sa Paris, France ang anak niya sa model na si Gabriel Aubry. Sa France kasi balak nang tumira permanently ni Halle kasama ang kanyang bagong boyfriend, ang aktor na si Olivier Martinez.

Ayaw ni Halle na lumaki sa Los Angeles, Califronia ang kanyang anak dahil sa matinding paparazzi scene na hindi healthy para rito. Pero na-rule out ng judge ang kanyang kaso at mas naging pabor ito sa kanyang ex-husband na si Gabriel.

Sa naging argument ng abogado ni Halle, wala itong balak na ilayo ng tuluyan kay Gabriel si Nahla. Naniniwala lang ang sikat na Hollywood actress na mas magiging safe para sa kanilang anak ang lumaki sa Paris kesa sa magulong buhay sa Amerika.

vuukle comment

BARON

BARON GEISLER

DELA ROSA

EAST FAIRVIEW

HALLE BERRY

KANYANG

MARYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with