^

Pang Movies

Lea iniengganyo ang mga talented na Pinoy na mag-audition sa Miss Saigon

CHISMIS ITOH - Pang-masa

Ini-encourage nina Lea Salonga at Monique Wilson ang maraming talented Pinoys na sumubok na mag-audition para sa muling pagbabalik ng Miss Saigon sa West End in London.

Si Lea nga ang original na gumanap na Kim sa Cameron Mackinstosh musical noong 1989 at si Monique and kanyang naging understudy. Dahil nga sa Miss Saigon, maraming nagbukas na pintuan para kina Lea at Monique.

Si Lea ay nakilala sa buong mundo dahil nanalo siya ng maraming awards for Miss Saigon. Nakapag-perform pa siya sa Broadway version ng Miss Saigon. Pagkatapos ay ginawa niya ang Les Miserables bilang si Eponine at nagbida pa siya sa Flower Drum Song. Twice rin siyang kinuha ng Walt Disney para umawit sa soundtrack ng Aladdin bilang si Jasmine at Mulan bilang si Fa Mulan.

Si Monique naman ay lumabas sa ilang plays at nakapagtapos ng kanyang theatre course sa Royal Academy of Dramatic Arts in London. Nabigyan din siya ng pagkakataon na makapagturo roon at nagtayo siya ng sarili niyang theatre group sa Pilipinas na New Voice Company na nagdala ng mga critically-acclaimed dramas and musicals sa Pilipinas tulad ng Cabaret, Angels In America, Chess, Into The Woods, and The Vagina Monologues.

Alam nga kapwa nina Lea at Monique na maraming mahuhusay na Pinoy ngayon lalo na sa larangan ng pag-awit. Napapanood nga rin nila ang mga singing contest sa TV at impressed sila sa talent ng mga kabataang Pinoy ngayon.

Aljur at Kris hinandaan agad ng bagong show bago pa matsugi ang Coffee Prince

Malapit nang magtapos ang teleserye na Coffee Prince sa GMA 7 at wala na itong extension. Good for seven weeks lang talaga ang istorya ng Coffee Prince dahil sa kontrata na pinirmahan ng Kapuso Network with the Korean producers.

Nanghinayang ang mga fans nila Aljur at Kris Bernal dahil maganda sana kung aabot ng December ang show. Pero hanggang pitong linggo lang daw ang ibinigay ng mga producer sa GMA 7 kaya kailangang sundin nila iyon.

Kaya bago pa man matapos ang series, may nakahanda ng bagong show para kay Aljur na ang makakatambal naman niya ay si Sarah Lahbati. Meron din na nakahanda for Kris. Parehong set for 2013 na ang mga bagong show ng dalawa.

Parehong may pelikula naman na tinatapos sina Aljur at Kris. May guest role si Aljur sa pelikulang Kuratong Baleleng with Kylie Padilla at sa Sossy Problems ng GMA 7 para sa Metro Manila Film Festival.

Si Kris naman ay nasa pelikulang Ben Tumbling with Jerico Estregan na anak ni Laguna Gov. ER Ejercito.            

Kristen Stewart at Robert Pattinson nagsasama na uli sa isang bahay

Malapit nang ipalabas ang Twilight Saga: Breaking Dawn Part 2 kaya kalat na ang balitang muling magkasama sa iisang bubong ang nagkabalikan nang sina Kristen Stewart at Robert Pattinson.

Nagkahiwalay pansamantala ang dalawang bida ng Twilight Saga pagkatapos na kumalat ang balitang nakiapid si Kristen kay Rupert Sanders, ang director niya sa Snow White and the Huntsman na may asawa’t mga anak.

Ngayon ay back in each other arms na sina Kristen at Robert, kasama ang kanilang adopted dog na si Bernie.

Ayon sa US Magazine: “They basically live together again. They are spending most of their nights at Kristen’s new $2 million home in Los Angeles which she bought after moving out of her boyfriend’s nearby Los Feliz home following her cheating scandal in August.”

Sa interview ni Kristen sa Live With Kelly & Michael last Nov. 7, ayaw na niyang pag-usapan pa ang pagbabalikan nila ni Robert.

“I’m going to just let people watch whatever little movie they think our lives are. Keep ’em guessing, I always say,” sabi ng aktres.

vuukle comment

ALJUR

COFFEE PRINCE

KRISTEN

KRISTEN STEWART

MISS SAIGON

MONIQUE

ROBERT PATTINSON

SI LEA

TWILIGHT SAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with