^

Pang Movies

Aktres nagbabayad sa endorsement niyang nabulilyaso

SO..CHISMIS ITOH? - Pang-masa

Hanggang ngayon pala ay nagbabayad pa ang aktres sa endorsement na nawala sa kanya. May nilabag kasi siya sa kontratang pinirmahan at ngayon ay imbes na siya ang bayaran, siya pa ngayon ang nagbabayad sa mga kapalpakan niya.

Marami ang nanghinayang sa aktres na ito dahil maganda na sana ang career niya kung hindi lang siya nagluka-lukahan sa buhay.

Tulad na lang ng naturang endorsement niya na nakapag-shoot na siya ng commercial nito at for airing na sana. Kaso biglang meron siyang nagawang hindi kaaya-aya sa mga advertiser kaya hindi na itinuloy ang paglabas ng commercial niya.

Pati na ang balak na pagtayo ng mga malalaking billboard niya ay naunsiyami dahil nga sa ginawang kapalpakan.

Dahil nasa kontrata na pinirmahan niya na kapag may nangyaring bulilyaso na siya ang nagsimula, maliban sa pagbalik ng talent fee, may babayaran pa siyang danyos or else ay madedemanda siya.

Kaya ang aktres lahat ng kitain niya ngayon ay diretso sa opisina ng isang produkto na dapat ay siya ang endorser.

Young singer na alaga ng dating manager ni Charice napansin ni David FostER

Isang Pinoy ang agaw-eksena sa naganap na concert ni David Foster sa Singapore kamakailan. Ito ay si Mark Mabasa, ang bagong talent ng dating manager ni Charice na si Grace Mendoza.

Isa lang sa mga nanood sa audience si Mark sa Singapore dahil gusto nitong mapanood ang David Foster and Friends concert sa Star Performing Arts Centre. Suwerte lang niya at napili siya ni Foster sa audience para umakyat at umawit na kasama niya sa stage.

“Sabi ko I’m from the Philippines eh di nagsigawan ’yung mga tao. Ang dami palang Pilipino roon. I’m proud to be a Filipino,” sabi ni Mark sa kanyang interview.

Inawit ni Mark ang song na The Last Time na isang sikat na ballad ni David Foster. Sobrang na-impress ang American singer-composer kay Mark.

“Paglabas ko nga feeling ko isa ako sa nag-perform kasi nilalapitan ako nung mga tao ’tapos nagpapa-picture sa ‘kin. They were appreciating me,” balita pa ni Mark.

     The next day ay tinawagan ni Foster ang manager ni Mark at nagpahiwatig ito ng interes sa talent ng bata. Baka raw isama niya si Mark sa kanyang magi­ging concert tour.

Sumali si Mark sa The X Factor Philippines pero hindi siya sinuwerte dahil na-eliminate siya noong August at hindi na siya umabot sa finals. Marami ang nagprotesta sa pagkaka-eliminate niya. Pero ngayon ay mukhang dumarating na ang suwerte sa kanya.

“Ipag-pray po natin kay Lord na sana ibigay Niya po,” asam pa ng young singer.

 

 

vuukle comment

CHARICE

DAVID FOSTER

DAVID FOSTER AND FRIENDS

GRACE MENDOZA

ISANG PINOY

LAST TIME

MARAMI

MARK

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with