^

PM Sports

Gilas training hahataw na

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na mag-aaksaya pa ng panahon ang Gilas Pilipinas dahil sisimulan na nito ang matinding ensayo bilang paghahanda sa prestihiyosong 2023 FIBA World Cup na lalarga sa Agosto 25 hangang Setyembre 10.

Isiniwalat ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes na ngayong araw (Hunyo 7) sisimulan ang training camp ng national team.

Sasalang sa matinding ensayo ang Pinoy cagers sa Maynila bago tumulak sa mas matinding preparasyon sa Europa kung saan sasalang ito sa ilang tuneup games laban sa matitikas na European teams.

Kaya naman pinaghahandaan na ng ilang Gilas Pilipinas players ang matinding hamon na haharapin nito.

Isa na si CJ Perez ng San Miguel Beer na ginagamit ang PBA on Tour para mapanatiling nasa kundisyon ang katawan nito.

“Matagal din akong napahinga kaya inu-unti unti ko muna. Kailangang makuha muna yung rhythm para hindi mabigla at ma-injure,” ani Perez.

Bahagi si Perez ng Gilas Pilipinas na matagumpay na naibalik sa Pilipinas ang kampeonato sa 32nd Southeast Asian Games na ginanap sa Phnom Penh, Cambodia.

Nais ni Reyes na makabuo ng chemistry ang Gilas Pilipinas upang maging solido ang galaw nito sa FIBA World Cup.

At isa ang training camp sa magiging sagot dito.

Kaya naman ayaw pang pangalanan ni Reyes kung sinu-sino ang bubuo sa Final 12.

Maging sina naturalized player Justin Brownlee at NBA star Jordan Clarkson ay hindi pa nakatitiyak ng puwesto sa lineup.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with