^

PSN Showbiz

Maymay nagtitipid pa rin kahit malaki na ang kinikita!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Maymay nagtitipid pa rin kahit malaki na ang kinikita!
Maymay

Masayang-masaya si Maymay Entrata dahil nabibili na niya ngayon para sa sarili ang mga bagay na wala siya noon. Aminado ang baguhang aktres na medyo matipid siyang gumastos dahil ramdam niya kung gaano kahirap kumita ng pera.

“Meron din naman po akong binili. Siguro mga dalawang beses lang. Bumili po ako ng magagandang damit. ‘Yung mga gusto kong damit na hindi ko nabibili dati pero hindi naman po ‘yon luho. Kailangan ko rin po ‘yon sa trabaho pero madalas po talagang tiis-tiis po. Kasi ang importante sa akin ay ‘yung kailangan namin,” paliwanag ni Maymay.

Ayon sa dalaga ay nakakain na nila ng pamilya ang mga pagkaing bihira nilang makain noong wala pa siya sa show business. “Nakakain na namin ‘yung gusto naming kainin like ‘yung fried chicken. Kasi pang-birthday lang naman ‘yon sa amin dati. Tapos ngayon natutuwa lang ako na halos araw-araw na silang kumakain n’on. Kung ano ‘yung gusto nilang kainin nakakain na nila. No’ng una pong nakakabili na kami ng chicken, araw-araw ‘yon ang kinakain namin talaga,” pagtatapat ni Maymay.

Para sa Pinoy Big Brother Big Winner ay ang kanyang hitsura at pagbibihis nang maayos ang pinagtutuunan ng pansin lalo pa’t may ilang mga produkto na rin siyang ini-endorso. “Simula lang po no’ng maging public figure na ako saka lang ako naging gano’n. Kaya nga po dahil sa mga beauty products na ini-endorse ko at ipinagkatiwala sa akin, mas nagkaroon ako ng kompiyansa sa sarili ko at mas naalagaan ko na rin ‘yung sarili ko,” pagtatapos ni Maymay. 

Karla naghihintay sa paglipad ni Darna!

Ngayong araw ang mismong kaarawan ni Karla Estrada. Isang digital concert na may titulong I Am Karla Estrada: The Music Within ang handog ng aktres mamayang gabi para sa lahat ng sumusuporta sa kanya. Mapapanood sa pamamagitan ng live streaming sa OneMusic.ph ang nasabing concert.

“Yes, birthday ko ‘yan mismo. It’s a digital concert na mapapanood n’yo through live streaming. Maririnig nila lahat ng kanta, kung sino talaga ako. Music of the 80’s, 90’s, variety of songs ang mapapanood natin. Of course i-showcase din natin ang talent kung saan talaga tayo nag-umpisa ng career which is musika,” nakangiting pahayag ni Karla.

Bukod sa pagiging host ng Magandang Buhay ay abala na rin ang aktres sa kabi-kabilang pelikula na mapapanood sa susunod na taon. “Next year makakalipad na si Barna. Hihintayin ko lang lumipad si Darna, baka kasi magkasalubong kami sa ere,” natatawang pahayag ni Karla.

“Si Familia Blandina, anytime soon. I think wala pa kaming sure na play date kasi inaayos pa. Pero abangan n’yo po ang Familia Blandina, malapit na ‘yan,” pagbabahagi ng aktres.

vuukle comment

MAYMAY ENTRATA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with