Sharon napipisil sa Kanta Pilipinas
SEEN SCENE - Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - January 1, 2013 - 12:00am

SEEN:  Ang makapag-guest sa  Gandang Gabi Vice ng ABS-CBN ang target ng mga pulitiko na kakandidato sa May 2013. Nagagamit ang show ni Vice Ganda para sa early campaign ng mga pulitiko.

SCENE: Ang mag-amang Joseph Estrada at JV Ejercito ang mga bisita sa GGV noong Linggo. Sinusuportahan ni Joseph ang senatorial bid ni JV.

SEEN: Abby Bautista ang pangalan ng child star na gumanap na young AiAi delas Alas sa Sisterakas. Sa tulong ng prosthetics, humaba ang baba ni Abby upang maging magkahugis ang mga mukha nila ni AiAi.

SCENE:  Hindi nabantayan ang continuity  ng Sisterakas dahil may isang eksena na may suot na stockings si Vice Ganda at sa sumunod na eksena, wala na ang stockings na suot niya

SEEN: Working holiday ang December 31 para kay Christian Bautista dahil sa  New Year Countdown show niya kagabi sa Sands Jakarta, Indonesia.

SCENE: Ipalalabas sa mga sinehan ang A Moment in Time sa January 16, 2013. Ang A Moment in Time ang unang movie team up ng Walang Hanggang love team nina Coco Martin at Julia Montes.

SEEN: Si Lovi Poe sa 25th birthday party ni Jake Cuenca sa isang bar/restaurant sa Ortigas Center, Mandaluyong City. Si Lovi ang rumored girlfriend ni Jake.

SCENE:  Si Sharon Cuneta ang napipisil  na maging host ng Kanta Pilipinas, ang talent search show ng TV5. Isa si Marvin Agustin sa mga producer ng Kanta Pilipinas.

A MOMENT ABBY BAUTISTA ANG A MOMENT CHRISTIAN BAUTISTA COCO MARTIN GANDANG GABI VICE JAKE CUENCA KANTA PILIPINAS VICE GANDA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with