^

Punto Mo

10 sangkap sa kusina na bawal ipahid sa mukha

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Kalamansi at lemon – Marami ang gumagamit nito bilang pampaputi ng balat at pantanggal ng maiitim na batik. Ngunit ang taglay nitong asido ay maaaring magdulot ng iritasyon. Kapag naarawan ang balat na napahiran nito, maaari ding magkaroon ng paltos at mas maitim na marka.

2. Baking soda – May mga gumagamit nito bilang facial scrub at pampakinis ng mukha. Ngunit maaari nitong sirain ang natural na proteksiyon ng balat, na nagiging sanhi ng pagkatuyo, pangangati at pamumula.

3. Toothpaste – May paniniwalang nakatutuyo ito ng tigyawat kaya ipinapahid ng ilan bago matulog. Ngunit ang mga sangkap nito ay maaaring makairita sa balat at magdulot ng hapdi, pamumula at pagbabalat.

4. Purong suka – Ginagamit ito ng ilan bilang pantanggal ng kulugo at maiitim na batik. Gayunman, ang asido nito ay maaaring makapinsala sa balat at magdulot ng iritasyon o chemical burn, lalo na kung hindi ito hinahaluan ng tubig.

5. Asukal at asin – Karaniwang ginagamit ang mga ito bilang natural na panghilod sa mukha. Ngunit ang magagaspang na butil ay maaaring makagasgas sa balat kapag kinuskos nang madiin, na posibleng magpalala ng pamumula at iritasyon. (Itutuloy)

KITCHEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with