Pumaldo sina Man’s at Sara, pumalpak si Digong kaya nagdurusa!
INUUSISA sa Senado ang pamamaraan kung papaano nakapapasok at nakapagpapalabas ng malalaking halaga ng mahiwagang pera gamit ang mga iba’t ibang pamamaraan ng depository banks na hindi agad-agad nadidiskubrehan ng AMLC. Tila interesado naman ang ilan sa mga senador na malaman kung papaano mahihirapang kapain ang mga nakatagong nakaw na pera. Alam na dis!
Hinalukay ng prosecution team ang mga bank transactions ng mag-asawang Manases at Sara at lumutang na hindi magkatugma ang naideklarang yaman sa SALN ni VP Sara. Sa mga tanong ng nga senator judges ay halatang interesado ang mga ito na malaman ang mabisang paraan kung papaano naitatago ang malibag na pera. Aba’y maglaba na kayo hangga’t maaga pa. Daliiii!
Ma-impeach man o hindi si Sara ay may latay na ito mula sa hambalos ng pulitika. Nag-umpisa ito sa bulyaw ni Digong kay BBM sa Maisug Rally sa Davao na dinaluhan din ni Imee na nakangisi pa habang binibigkas ni Digong ang ‘‘bangag’’ ang presidente natin. Kasalanan ni Papa Digs kung bakit nababalahura si Sara ngayon. Mabuti pa si Honeylet at Kitty, Masaya. O ‘di ba?
Nabiktima si Sara ng lagim ng pulitika nang magbuo sila ng UniTeam na nilakipan ng katusuhan. Ikina-unsyami ng Team Duterte ang naindultong plano na sipain si Martin at ipalit bilang House Speaker si GMA na nabokya naman ng Team BBM. Nakakulong si Martin ngayon at inaasahang may former Senate president ang susunod. Sa ikatlong pagtilaok ng manok ni Ping ay tuluyan nang mangungupete si Peter. Sure ‘yan!
Political harassment diumano ng kalaban ni Sara ang mga inilatag na isyu ng korapsyon hanggang umabot sa impeachment proceedings sa kongreso, pero nang magpatotoo na ang mga Bank at AMLC executives na ipinatawag sa impeachment trial ay nalantad ang bulto ng milyones na dumaan sa kamay nina Atty. Mans at Sara. Dumaan lang? Hhmmmn,. Robin, Pasoook!
- Latest
















