^

Punto Mo

Lalaki, nahaharap sa pagkakakulong matapos gamitin ang vacuum cleaner para mag-espiya sa misis na nangangaliwa!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SINENTENSIYAHAN ng limang buwan na pagkakakulong ang isang lalaki sa Taiwan matapos niyang gamitin ang robot vacuum cleaner upang palihim na kunan ng video ang kanyang asawa kasama ang kalaguyo nito.

Ikinasal ang mag-asawa noong 2021 at mayroon silang vacation house na paminsan-minsan lamang nilang pinupuntahan.

Noong 2023, nagsimulang maghinala ang lalaki matapos makakita ng hindi pamilyar na toothbrush sa bahay. Sa CCTV footage ng parking area, nakita rin niya ang isang lalaking dati nang naghahatid sa kanyang asawa mula sa trabaho.

Nang komprontahin niya ang asawa, itinanggi nitong may relasyon sila ng lalaki. Makalipas ang tatlong buwan, bumili ang mister ng robot vacuum para sa vacation house. May camera at communication feature ito, at balak lamang umano niyang sorpresahin ang asawa sa pamamagitan ng video chat gamit ang vacuum.

Ngunit sa halip na simpleng pagbati, nakita niya sa camera ang kanyang asawa na kasama sa kama ang lalaking nakita niya noon sa CCTV. Ipinagpatuloy niya ang pagre-record upang magkaroon ng ebidensiya. Nakunan ang dalawa habang magkayakap at naglalakad nang hubad sa loob ng bahay.

Dahil dito, idinemanda ng lalaki ang kanyang asawa at ang umano’y kalaguyo nito at humingi ng NT$2 million bilang danyos. Pinaboran siya ng korte at ina­tasan ang dalawa na magbayad ng NT$500,000 matapos mapag-alamang lumampas sa pagkakaibigan ang kanilang relasyon.

Gayunman, kinasuhan din siya ng kanyang asawa dahil sa palihim na pagre-record. Iginiit ng lalaki na kailangan niya ito bilang ebidensiya, ngunit sinabi ng korte na may karapatan pa rin sa privacy ang isang tao kahit asawa niya ang kumukuha ng video.

Sa huli, sinentensiyahan ang mister ng limang­ buwang pagkakakulong at pinagmulta ng NT$150,000.

CCTV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with