^

Punto Mo

Babae, natuklasan na ang kasamahan sa trabaho ay ang kanyang anak na ipinaampon!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MATAPOS ang dalawang dekadang hindi pagkikita, isang ina sa Utah, United States ang muling­ nakapiling ang anak na ipinaampon niya noong siya ay teenager pa lamang.

Taong 2001 nang mabuntis si Holly Shearer sa edad na 15. Limang buwan na siyang buntis nang magdesisyon siyang ipaampon ang kanyang magi­ging anak na lalaki, na pinangalanang Benjamin, dahil nais niyang lumaki ito sa isang pamilyang handang magbigay sa kanya ng magandang buhay.

Matapos maghanap ng maaaring maging adop­tive parents, napili ni Holly ang mag-asawang Brian at Angela Hulleberg, na noon ay nahihirapang magkaroon ng anak.

Ayon kay Holly, isa sa pinakamabigat na desisyon sa kanyang buhay ang ibigay si Benjamin sa mag-asawa matapos itong ipanganak.

Sa unang ilang taon, patuloy na nagkaroon ng komunikasyon sina Holly at Angela. Ngunit makalipas ang humigit-kumulang tatlong taon, unti-unti rin itong nawala.

Habang lumalaki naman si Benjamin, hindi itinago ng kanyang adoptive mother ang tungkol sa kanyang biological mother.

Kapag nagtatanong umano ang bata tungkol kay Holly, sinisikap ni Angela na sagutin ang kanyang mga tanong.

Makalipas ang 20 taon, isang Facebook message ang naging daan upang magkita silang muli.

Noong ika-20 kaarawan ni Benjamin noong Nob­yembre, nagpadala sa kanya ng mensahe si Holly. Pag­kalipas lamang ng dalawang araw, nagkita sila kasama ang pamilya para sa isang dinner.

Sa kanilang pagkukuwentuhan, natuklasan nila na pareho sila ng lugar na pinagtatraba­huhan. Parehas silang pumapasok sa St. Mark’s Hospital na walang kamalay-malay na malapit lamang silang mag-ina sa isa’t isa.

Si Holly ay medical assistant sa heart center ng ospital, habang volunteer naman si Benjamin sa newborn intensive care unit.

Ayon kay Benjamin, dumating ang muling pagkikita nila sa panahong hindi niya inaasahan ngunit lubos niya itong kailangan. Masaya naman ang mag-ina na sa kabila ng mahabang panahon, nagkaroon pa rin sila ng pagkakataong makilala at makasama ang isa’t isa.

ANAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with