Pumabor sa mga pulitiko nating kawatan ang giyera ng Israel at Iran
Nagiging kontrobersyal ang hindi pagpirma ni Sen. JV Ejercito sa partial Senate Blue Ribbon Committee dahil ang gusto daw niya ay kumpletong report na. Hindi kaya dahil isa ang utol niya sa inisyal na posibleng makukulong? Halata yata, he he!
Sa pasimula pa lamang ng imbestigasyon ng BRC ay lumutang na agad ang mga pangalan nina Sen. Joel Villanueva, Jinggoy Estrada sa mga maanomalyang DPWH projects pero hanggang ngayon ay wala pang aksyon ang BRC, DOJ at Ombudsman.
Nakakaasar na talaga, ‘di ba?
Lalong lalabo ang usapin ng mga sangkot sa nakawan sa DPWH lalo’t sa impeachment proceedings ni VP Sara ngayon nakasentro ang atensyon ng kongreso at senado. Kakailanganin ang sapat na bilang ng mga kongresista at senador para ma-impeach si VP Sara at hindi na makatakbong presidente sa 2028. Resignation na lang bilang VP ang remedyo. Gawin naman kaya?
Nabaling sa pandaigdigang krisis sa ekonomiya ang buong bansa dahil sa giyera ng Israel at Iran na nagpalobo ng presyo ng krudo at gasolina. Sinalubong na agad nang gobyerno ng ayudang pera ang mga tricyle at jeepney drivers. Para ‘‘bawas aburido’’ at makalimutan ang isyu ng male-maletang pera na ninakaw ng mga senador at kongresista.
Nakakaligtaan ng gobyerno ang mga retiradong government employees na ang mga pension ay mas maliit pa sa tinatanggap ng 4P’s pensioners na wala namang naging kontribusyon at karamihan ay ipinang-iinom lamang ang tinatanggap. Aba’y mahiya naman kayo!
Kung ano man ang kakahantungan ng giyera ng Iran at Israel ay hindi natin mahuhulaan, pero ang hantungan ng pagsasa-walang kibo ng mga kakosa ng mga congressmen at senators na may kinakaharap na mga nakaririmarim na kaso ng pagnanakaw ay malamang na mauwi sa limot. Lalo na kung patay na ang testigo!
- Latest















