World’s largest aircraft, mas malapad pa sa football field
KINILALA ang Stratolaunch Model 351 o mas kilala sa tawag na “ROC”, bilang eroplanong mayhawak ng titulong largest aircraft by wingspan sa buong mundo.
May lawak itong 385 feet, na mas malapad pa kaysa sa isang American football field, at mukhang dalawang jet na pinagdikit.
Ang dambuhalang sasakyan ay pinapagana ng anim na Pratt & Whitney engines at gumagamit ng 28 gulong para makalapag.
Sa laki nito, kailangan nito ng mahabang runway at kaya nitong magbuhat ng hanggang 550,000 lbs na payload.
Sa sobrang laki nito, nasa kanang bahagi (fuselage) lang ang mga piloto, habang ang kaliwang bahagi ay walang tao at puro data systems lang ang laman.
Orihinal itong dinisenyo para maglunsad ng mga rockets sa ere (air-launch-to-orbit), ngunit matapos pumanaw ang founder na si Paul Allen, ginagamit na ito ngayon pangunahin para sa hypersonic flight testing.
- Latest















