^

Punto Mo

Patungan ng cake na may 30,000 swarovski crystals, tinanghal na pinakamahal sa buong mundo!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG kompanya sa UK, ang Prop Options, ang opis­yal na nakapagtala ng Guinness World Record para sa “most expensive cake stand”.

Ang nasabing stand ay may kahalagaang £15,000 (mahigit 1.1 milyong piso). Ang Prop Options ay isang kilalang manufacturer ng mga premium cake props na gina­gamit ng bakers at wedding designers sa buong mundo.

Ayon sa kompanya, inabot ng lima hanggang anim na buwan ang pagbuo sa cake stand, mula konsepto hanggang sa matapos ito.

Gawa ito sa mirror-polished marine-grade 316 stainless steel at pinalamutian ng 30,000 piraso ng Swarovski Crystals. Isang Swarovski specialist ang nagdikit isa-isa ng bawat kristal.

Unang ipinakita sa publiko ang one-of-a-kind stand sa Cake International event sa Birmingham. Binantayan ito ng isang life-sized na secu­rity guard na gawa sa cake, na nilikha ng cake artist na si Ben Cullen.

“Ang pagkamit ng isang Guinness World Records title ay isang bagay na labis naming ipi­nagmamalaki, at ipinapakita nito ang dedikasyon ng aming buong team,” ani Brad Young, Director ng Prop Options.

Kamakailan, ang mamahaling cake stand ay ginamit sa kasal ng Hollywood celebrity na si Terrence J, na ginanap sa Atlantis Hotel sa Dubai.

Ang pinakamahal na patungan ng cake.

UK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with