Gerilya POGO, wawasakin ng PAOCC at Chinese counterparts!
LUMAKAS lalo ang kampanya ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) laban sa cybercrime, fraud, at organized crime, kasama na ang remnants ng POGO, dahil sa pakikipagtulungan ng kanilang counterparts sa China.
Si Usec. Gilberto Cruz ng PAOCC ay nakipagkita sa kanyang Chinese counterparts, na pinangunahan ni Deputy Director Yin Xiangjian, ng Criminal Investigation Department ng Shanghai, upang magsagawa ng kaukulang aksiyon para tuldukan na ang mga nasabing krimen. Pinangunahan ni Cruz ang PAOCC delegation, sa pagsang-ayon ng Bureau of Immigration, sa pag-deport ng aabot sa 100 Chinese nationals na sangkot sa POGO operations sa Pinas.
Kaya personal na sinamahan ni Cruz ang deportation ng POGO workers dahil sa report na sa mga naunang deportation ay may nakatakas sa kanila sa pag-stopover nila sa ibang bansa. Araguyyy! Dahil sa ginawa ni Cruz, swak sa banga ang 100 POGO workers, na maaring may ilan sa kanila ay may derogatory records sa China. Eh di wow! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Dahil sa pakikipagtulungan ng CID ng China, nangako si Yin na ituturo niya kay Cruz ang mga tiwaling Chinese na sangkot sa scam operations sa Pinas upang mapa-deport sila sa lalong madaling panahon. Ilan sa mga scam operators ay naaresto na ng PAOCC at nakakulong sila sa PAOCC temporary custodial facility.
Napag-alaman din sa kanilang Chinese counterparts, ani Cruz, na may 60 serious crime incidents sa Pinas na sangkot ang Chinese nationals, at 17 kaso ay kumpirmadong patay ang biktima. Ayon kay Cruz, maaring konektado ito sa kaso ng 66 di-kilalang bangkay na may foreign features, na nadiskubre sa Region 3 noong 2023.
Karamihan sa mga kaso, ayon sa Chinese counterparts, ay hindi naimbestigahan. Kaya nirekomenda ng Chinese counterparts na magtayo ng Chinese Desk upang umasiste sa monitoring, imbestiga at paglutas ng mga kasong sangkot ang mga Chinese. Eh di wow! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Pinasalamatan ni Cruz ang kaynang Chinese counterparts sa pakikipagtulungan ng mga ito sa adhikain ng PAOCC na tuldukan na ang mga krimen na kinasasangkutan ng mga Chinese sa Pinas. Aniya, may kabuuang 3,483 foreign nationals na inaresto ng gobyerno sa kasong POGO at iba pang high-profile crimes, at 2,517 sa kanila ay na-deport na sa kani-kanilang bansa, 41 dito ay may pending na kaso.
Bilyones ang nakumpiskang ebidensiya sa mga ito at nasampahan na sila ng kaukulang kaso. Inamin ni Cruz na may mga hinaharap pa silang pagsubok sa kampanya vs scams at online crimes dahil ang remnants ng POGO ay decentralized na ang operations, at maraming industriya na ang sangkot tulad ng telecommunications, real estate, undergound banking, IT services at immigration fixers. Tsk tsk tsk! Ang sakit sa bangs nito!
Nagbigay naman ng ilang rekomendasyon si Asst. Minister Liu Zhongyi, ng Minister of Public Security ng CID tulad ng ng pag-target ng scam at POGO syndicate, pagpabilis ng deport ng naarestong suspects, joint training programs sa telecom fraud, anti-money laundering practices, at financial crime investigation. Dipugaaa!
Natuwa naman si Cruz sa mga proposal ng kanyang Chinese counterparts, at nangako itong patuloy nilang iimbestigahan ang mga kaso na sangkot ang Chinese nationals, lalo na ‘yaong pagpaslang sa negosyanteng si Anton Que. Abangan!
- Latest